250 total views
Tularan ang mga bayaning naglingkod ng lubos sa bayan at sa kapwa.
Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos ang mga bayani ay sumunod sa mga halimbawa ni Hesus na inialay ang sariling buhay para sa kapakanan ng mamamayan at ipinaglaban ang karapatan ng bawat tao.
“Be the best of ourselves and we do our best, that is, like our heroes we must not think what is comfortable for us or easy way for us. But we become selfless, ready to do self-sacrifices and serve to the best of abilities,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Ang mensahe ng obispo ay kaugnay sa paggunita ng Pilipinas sa ika-77 Araw ng Kagitingan o pagbabalik-tanaw sa mga sakripisyo ng mga mandirigmang Filipino noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig.
Dagdag pa ni Bishop Santos, dapat maging matapang ang bawat tao upang maging handa sa bawat pagsubok na nakakasalamuha habang naglalakbay sa sanlibutan.
Ito ay sa pamamagitan ng pananalig sa Panginoon na nagbibigay kalakasan lalu na sa pagsuong sa mga suliranin sa buhay na maaring kaharapin ng bawat isa sa araw-araw na pakikipamuhay.
“Be brave, that is, be ready to face pain and problems in life. We don’t walk away from them. Nor we hide them. We face them and we don’t resort to giving up as ‘mayroon ba tayong magagawa’,” ani ng Obispo.
ARAW NG KAGITINGAN
Ika-9 ng Abril 1942 ng napilitang isuko ang higit 78,000 mandirigmang Filipino, at Amerikano sa mga sundalong Hapon sa ikalawang digmaang pandaigdig kung saan pinalakad ito sa higit 100 kilometro o mas kilalang Bataan Death March.
Sa kasaysayan, ang Pilipinas ang pinakahuling bansa sa Timog Silangang Asya ang sumuko sa Japan nang tuluyang bumagsak ang sandatahan sa Corregidor Bataan.
Kasabay ng pagsuko ay pinalakad ang mga mandirigma mula Bataan patungong San Fernando, Pampanga kung saan tinatayang 5, 000 hanggang 10, 000 Filipio at 650 sundalong Amerikano ang nasawi sa daan habang isinasagawa ang death march dahil sa labis na kagutuman at pagkauhaw.
Sa bisa ng Republic Act 3022 na ipinasa ng Kongreso noong 1961 tinawag itong Bataan Day bilang paggunita sa mga namayapang bayani habang sa Executive Order No. 32 na nilagdaan noong 1987, tinawag itong Araw ng Kagitingan, ang simbolo ng pagbagsak ng Bataan at Corregidor sa laban sa mga Hapon.
Bukod sa Pilipinas ginugunita rin ang Araw ng Kagitingan sa Illinois sa Estados Unidos ang lugar na pinagmulan ng mga sundalong Amerikanong sakop sa 192nd Tank Battalion na nasawi sa digmaan subalit sa bawat ikalawang Linggo ng Setyembre.
Taong 1970 nang itinayo ang Mt. Samat Memorial Shrine sa Bataan ang lugar kung saan naganap ang ilan sa mga labanan noon.
MAGING BIYAYA SA KAPWA
Hinimok ni Bishop Santos ang bawat mananampalataya na gumawa ng kabutihan sa kapwa at makatutulong sa pagpapasigla sa buhay ng mamamayan na puspos ng biyaya.
Iwasan ang pagpapalaganap ng kasamaan sa salita at sa gawa sa halip ay mas pag-ibayuhin ang pakikipagkapwa-tao nang mamayani ang pagkakaisa at kapayapaan sa pamayanan.
“Be a blessing to others that is to think, speak and do what will always be beneficial to others. Not threatening nor demeaning words; not violent nor deadly actions but always words and works that will be a blessing to others, their lives would be further blessed,” dagdag pa ni Bishop Santos.