19,267 total views
Kinilala ng Philippine Army ang tulong ng Military Ordinariate of the Philippines at mga katolikong chaplains para sa mga sundalo.
Inihayag ito ni Philippine Army Chief of Public Affairs Lt.Col. Louie Dema-Ala sa pagpapatuloy ng mga adbokasiya na pangalagaan ang kapakanan at mental health ng sandatahang lakas ng Pilipinas.
Ayon kay Dema-Ala, nakaayon ang spiritual guidance ng simbahan sa adbokasiya ni Philippine Army Chief General Roy Galido na paigtingin ang pangangalaga sa kalusugang mental ng mga sundalo dahil sa suliranin ng Post Traumatic Stress Disorder (PTSD), depression, anxiety at iba pang mental disorders na maaring maranasan habang nagseserbisyo para sa bayan.
“So with the interventions ng ating mga chaplains doon sa field through yung spiritual guidance kasi ang mental health naman natin- ng isang sundalo hindi lang naman doktor, hindi lang naman psychologists, baka kailangan ng interventions with the chaplains, so yun nga kasama narin doon yung family program, so yun ang mga malaking papel na gagampanan talaga ng mga Military Chaplains natin,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Dema-ala.
Bukod sa mga katolikong chaplains, kinilala rin ng Opisyal ang chaplains na mula sa ibat-ibang relihiyon o paniniwala katulad ng mga islam, born again christians at iba pang religous leaders.
Dahil katuwang din sila ng Philippine Army upang pangalagaan ang mental health o spiritual formation na makakatulong din sa moralidad ng ating mga sundalo.
ayon pa sa panayam kay Dema-ala.
Unang tiniyak ng Armed Forces of the Philippines ang pangangalaga sa Mental Health ng mga sundalo sa paglulunsad noong Oktubre ng Mental Health Program kung saan isasabuhay ang temang “TROPA: Troop Resilience, Optimum Performance, and Mental Health Awareness,”.