Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Tisoy, naka-ready na

SHARE THE TRUTH

 2,348 total views

Patuloy ang monitoring ng mga Diyosesis sa iba’t-ibang lalawigan sa kalagayan ng kanilang mga nasasakupan matapos ang pananalasa ng bagyong Tisoy.

Ayon kay Fr. Rex Arjona, Social Action Director ng Diocese of Legazpi, sinisimulan na nito ang pag-iikot sa mga lugar na labis na naapektuhan ng bagyong Tisoy upang matukoy ang tulong na maaaring maiabot ng simbahan.

“The worst is over for us at so far, sa Legazpi City muna kasi wala pa kaming natatanggap na reports sa iba, konti palang… Ngayong umaga nagtingin-tingin na tapos let’s see, tignan namin, iikot kami as much as we can and then tomorrow, we will ba able to get more substantial na assessment.” bahagi ng pahayag ni Fr. Arjona sa Radyo Veritas.

Isa naman ang Apostolic Vicariate of San Jose Mindoro sa mga labis na naapektuhan matapos dumaan dito ang mata ng bagyo.

Ayon kay Father Silvino Enriquez, Social Communications Minister, hindi na makapag-broadcast ang kanilang Radio Station na DZVT Spirit FM, matapos mabali ang kanilang antena.

Bukod dito ay blackout din sa buong lalawigan.

“Wala blackout lahat, ang isang nangyari yun pong aming Radio Station DZVT Spirit FM, yung antenna nya ay nabali at nagbuhol-buhol yung kable kaya hindi na kami nakapag broadcast.” Pahayag ng Pari sa Radyo Veritas.

Maaga namang nanawagan ng tulong si Fr. Toni Ryan Del Moro, Chancellor ng Diocese of Gumaca dahil nasalanta rin ang mga pananim sa kanilang lalawigan.

Ayon sa Pari, hindi lamang para sa mga katoliko ang tulong na gagawin kun’di sa bawat mamamayan na apektado magkakaiba man ang paniniwala.

“Maghanda na din po tayo ng maaari nating itulong… Sa ngayon po magpapasko ay malamang ganito po yung kahaharapin ng aming mga kasamahan sa iba’t-iba pong mga basic ecclesial communities at sa ngayon po ay katuwang po namin sa pag-a-assess ng sitwasyon para magkaroon po kami ng tamang paraan ng pagtulong sa aming mga kasama hindi lang po simbahang katolika kung hindi kasama rin po yung iba naming mga kapatid natin sa ibang paniniwala na parte po ng ipinagdiriwang ng taon ngayon, kasama po sa programa namin yan” Pahayag ni Father Del Moro sa Radyo Veritas.

Tiniyak naman ni Father Efren Basco, Social Action Director ng Diocese of Malolos ang kahandaan ng simbahan, at nakikipagugnayan din ito sa pamahalaan upang masiguro ang kaligtasan ng mamamayan.

“Kahapon pa lang pinaghanda na kami ng aming Obispo Dennis Villarojo upang nang sa ganun maihanda yung mga kakailanganin kung sa kaling may mga pamayanan kami na masasalanta nitong bagyo… Nananatili na din kaming nakaugnay sa aming provincial [PDRRMO] kung ano din yung mga kaganapan din sa ibang lugar para makasuporta yung diocese.” Pahayag ni Father Basco sa Radyo Veritas.

Apat na beses naglandfall ang bagyong Tisoy sa iba’t-ibang mga lalawigan sa Pilipinas na nag-iwan ng malawak na pinsala.

Ito na ang 20 bagyong pumasok sa bansa ngayong 2019, at itinuturing naman itong Category 4 Hurricane ng United States Joint Typhoon Warning Center.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 15,338 total views

 15,338 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Mental Health Awareness Month

 46,477 total views

 46,477 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 52,063 total views

 52,063 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 57,579 total views

 57,579 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 68,700 total views

 68,700 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Veritas NewMedia

Panawagan sa publiko; makipagtulungan sa gobyerno laban sa nCoV

 2,403 total views

 2,403 total views Nanawagan ang espesyalista sa publiko na huwag maniwala sa mga haka-haka kaugnay sa pagkalat ng Novel Corona Virus (nCoV). Ayon kay Infectious disease specialist Dr. Edwin Dimatatac ng Ospital ng Muntinlupa, kinakailangan lamang na pakinggan ang mga paalala at panuntunan ng Department of Health (DoH) at ng World Health Organization (WHO). Ito ay

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Second collection sa mga biktima ng Taal volcano eruptions, isasagawa ng Archdiocese of Manila.

 2,933 total views

 2,933 total views Magsasagawa ng second collection ang Roman Catholic Archdiocese of Manila bilang pakikiisa at pag-agapay sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal. Sa Circular Letter ng Arkidiyosesis, nasasaad na lahat ng mga Parish Priest, Rector at Chaplain ay inaatasang magsagawa ng second Collection sa gabi ng January 18 at buong araw ng January

Read More »
Disaster News
Veritas NewMedia

Apostolic Nuncio, nagpaabot ng dasal at pakikiramay sa mga biktima ng lindol

 2,233 total views

 2,233 total views Nagpaabot ng pakikiramay si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia sa mga Pilipino na naapektuhan ng naganap na pagyanig ng lupa sa rehiyon ng Luzon. Hinimok nito ang mga mananampalataya na ipanalangin ang mga naulila gayundin ang mga nasaktan at nasawi sa kalamidad. Umaasa din ang Apostolic Nuncio, na agad

Read More »

Archbishop Palma, Bibisitahin ang mga Biktima ng Landslide sa Naga City, Cebu.

 2,274 total views

 2,274 total views Personal na nagpaabot ng pakikiramay at pagsuporta si Cebu Archbishop Jose Palma sa mga residenteng naapektuhan ng matinding landslide sa Naga City, Cebu. Ayon sa Arsobispo, bibisitahin niya ngayong araw ang naiwang pamilya ng mga nasawi mula sa trahedya at mga residenteng mayroon pang nawawalang kapamilya upang makiramay at patatagin ang kanilang kalooban.

Read More »
Disaster News
Veritas NewMedia

Mga Diyosesis na apektado ng bagyong Ompong, nanawagan ng tulong

 2,301 total views

 2,301 total views Umapela ng tulong ang iba’t-ibang Diyosesis na matinding naapektuhan ng mga pagbaha at pagguho ng lupa na dala ng pananalasa ng bagyong Ompong sa bansa. Diocese of Baguio Ayon kay si Father Manny Flores, Jr. Social Action Director ng Diocese of Baguio, hirap ngayon ang iba’t-ibang grupo maging ang pamahalaan mula sa labas

Read More »
Disaster News
Veritas NewMedia

Radio Veritas Manila at Legazpi, nagsanib puwersa sa pangangailangan ng Mayon evacuees

 2,275 total views

 2,275 total views Nagsama ang Radyo Veritas Manila, at Radyo Veritas Legazpi sa paghahatid ng kaganapan sa patuloy na banta ng pagsabog ng bulkang Mayon. Sa Programang Barangay Simbayanan, nagbigay ng ulat si Father Paulo Barandon, Station Manager ng Radio Veritas Legazpi kaugnay sa aktibidad ng bulkang Mayon at mga pangunahing pangangailangan ng kanilang Diyosesis sa

Read More »
Disaster News
Veritas NewMedia

Simbahan, umaapela sa pamahalaan ng mabilis na tulong sa Mayon evacuees.

 2,525 total views

 2,525 total views Umaapela si Father Rex Arjona – Social Action Center Director ng Diocese of Legaspi sa pamahalaan na bilisan ang pagpapadala ng tulong sa mga evacuees dahil sa patuloy na unstable condition ng bulkang Mayon na nasa alert level 4 na. Ayon sa pari, nauunawaan nitong umpisa pa lamang ng taon at hindi pa

Read More »
Disaster News
Veritas NewMedia

DSWD, nagsasagawa ng psycho-social interventions sa Marawi

 2,248 total views

 2,248 total views Nagsasagawa na ng Psycho-social interventions ang Department of Social Wefare and Development para sa mga batang naapektuhan ng giyera sa Marawi City. Kaisa ang mga Non-government Organizations at Faith-based groups nanawagan si Welfare Secretary Judy Taguiwalo sa iba pang medical groups na tulungan sila sa pagsasagawa ng stress debriefing lalo na sa mga

Read More »
Disaster News
Veritas NewMedia

Pagiging handa sa anumang sakuna, ugaliin

 2,563 total views

 2,563 total views Umaapela ang Social Action Center ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Palawan sa mamamayan na maging handa at sundin ang payo ng mga opisyal ng pamahalaan upang makaiwas sa sakuna. Kasunod ito ng naganap na landslide sa Barangay Liwanag, Puerto Princesa, dahil sa walang tigil na buhos ng ulan na kumitil sa buhay

Read More »
Disaster News
Veritas NewMedia

Oplan Linog, binuo ng DSWD

 2,329 total views

 2,329 total views Bumuo ang Department of Social Welfare and Development ng action plan na tatawaging Oplan Linog upang palakasin ang malawakang pagtugon sa pangangailangan ng mga survivors ng 6.7 magnitude na lindol sa Surigao. Ayon kay Welfare Secretary Judy Taguiwalo, sa pamamagitan nito ay matitiyak na maagap at mahusay na maipamamahagi ang relief assistance sa

Read More »
Disaster News
Veritas NewMedia

Disaster preparedness, pinaigting pa ng LGUs

 2,592 total views

 2,592 total views Tiniyak ng Department of Interior and Local Government na mas pinaigting ang disaster preparedness sa bawat munisipyo sa mga lalawigan sa bansa. Ayon kay DILG secretary Ismael Sueno, maraming natutunan ang mga Pilipino sa patuloy na paghagupit ng mga malalakas na bagyo tulad ng super bagyong Yolanda tatlong taon na ang nakalilipas. “Ang

Read More »
Disaster News
Veritas NewMedia

DSWD, sumakloko sa mga nabaha sa Sultan Kudarat

 2,260 total views

 2,260 total views Sinaklolohan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga residenteng naapektuhan ng matinding pag ulan kahapon na nagdulot ng flashfloods sa Kalamansig Sultan Kudarat. Ayon kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo, agad na rumesponde ang Disaster Team ng Field Office 12 at nakipag-ugnayan sa Local Government Units (LGUs) at tinukoy ang pangangailangan

Read More »
Disaster News
Veritas NewMedia

Santa Clara de Asisi Parish sa Isabela, nanawagan ng tulong

 2,260 total views

 2,260 total views Nanawagan para sa basic needs ang Kura Paroko ng Santa Clara de Asisi Parish sa Santo Tomas, Isabela na patuloy na nag hihirap dahil sa pinsalang idinulot ng bagyong Lawin. Ayon kay Fr. Bernard Agarpao, bagamat may mga paunang tulong na silang natanggap ay nangangailangan parin ng mga karagdagang pagkain ang kanyang nasasakupan

Read More »
Disaster News
Veritas NewMedia

Sierra Madre, nagpahina sa epekto ng Bagyong Lawin

 2,329 total views

 2,329 total views Malaking bagay na napalilibutan ng kabundukan ng Sierra Madre ang Luzon dahil ito ang nagsisilbing pananggalang nito mula sa mga bagyo. Ayon kay Fr. Pete Montallana, chairperson ng Save Sierra Madre Network Alliance, malaking bagay ang Sierra Madre dahil sa oras na magland fall ang mga bagyo sa Luzon agad itong humihina dahil

Read More »
Disaster News
Veritas NewMedia

Disaster preparedness at response ministry, inilunsad ng San Isidro Labrador parish

 2,077 total views

 2,077 total views Inilunsad ng San Isidro Labrador Parish sa barangay Bagong Silangan Quezon City ang Disaster Preparedness at Response Ministry, kasabay ng ika pitong taong paggunita sa pananalasa ng bagyong Ondoy sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan. Ayon kay Father Gilbert Billena, kura-paroko ng San Isidro Labrador parish, maraming natutunan ang bawat isa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top