Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tulong-tulong sa pagbangon ng mga biktima ng Super Typhoon Rolly, panawagan ng simbahan

SHARE THE TRUTH

 2,946 total views

Sa kabila ng patuloy na dagok sa bansa dulot ng mga kalamidad at pandemya, mas higit na dapat itanong ng mananampalataya kung ano ang hinihingi ng Panginoon sa bawat isa.

Ito ang mensahe ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick pabillo matapos ang pananalasa ng super typhoon rolly na nagdulot ng labis na pinsala sa Bicol Region at ilang mga lalawigan sa Luzon.

“Mas magandang tanong, Panginoon ano ang hinihingi mo sa akin ngayon. Hindi lang tayo nag-speculate ng isang sagot ngunit naging action oriented tayo. Sa ganitong pangyayari Panginoon ano yung hinihingi Nyo sa amin. Ano ang hinihingi Mo sa akin,” ayon kay Bishop Pabillo.

Ayon kay Bishop Pabillo, bagama’t napalaki ng pinsalang iniwan ng bagyo sa buhay at kabuhayan ng tao ay marami rin ang nakaligtas mula panganib na dulot ng bagyo.

“At alam po natin, kahit mahirap ang panahon, may maabot pa rin tayo. Kung lahat naman ay tutulong ay malaking magagawa,” dagdag pa ng obispo.

Kaya’t mas mahalagang magpasalamat, lalu na yaong mga hindi naapektuhan ng bagyo na silang hinihingan ngayon ng pakikiisa at pagtulong sa mga pamayanan na labis ang tinamong pinsala.

Bukod sa pagtulong, panawagan din ng obispo ang patuloy na panalangin para sa kalakasan sa mga biktima na nawalan ng kabuhayan at mahal sa buhay.

Hiling din ni Bishop Pabillo na ipagdasala ang kabutihang loob ng bawat tao na maging bukas para tumulong at magmalasakit sa kapwa.

Archdiocese of Caceres

Nagsisimula na rin ang simbahan sa Caceres sa pagbabahagi ng tulong sa mga naapektuhang residente.

Ayon kay Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona, higit sa 20 parokya ng arkidiyosesis ang nagsilbing evacuation centers ng mga residente.

“Sa mga ganitong katayuan at sitwasyon, siyempre dapat mangibabaw ang ating pananalig sa Panginoon. At sabi nga sa ‘Fratteli Tutti’, magkaisa tayo, magkakapatid tayo. Sa pagtutulungan nandyan ang ating lakas at saka yan ang magbibigay sa atin ng tamang direksyon para sa hindi lamang kasaganaan kundi para sa kapayapaan,” ayon kay Archbishop Tirona sa panayam kaugnay sa isinagawang ‘Caritas Oplan Damayan Telethon 2020’ sa Radio Veritas.

Diocese of Legazpi

Sa kabila ng lawak at labis na pinsala mula sa bagyo, nagpapasalamat pa rin si Legazpi Bishop Joel Baylon na hindi marami ang nasaw sa kaniyang mga kababayan kumpara sa bagyong Reming noong 2006.

Gayunman, nangangamba pa rin ang obispo sa sinapit ng mga residente sa Guinobatan kung saan maraming bahay ang natabunan bato mula sa bulkan.

“May tatlong barangay na natabunan ng lahar at saka ng malalaking bato mula sa Mayon at ito po ay kasalukuyang sinisikap na mahukay kasi yung mahigit na 100 bahay yung natabunan daw at hindi pa matiyak kung may mga tao doon na nakalibing. So we are praying and hoping that we could still rescue this people pero patuloy naman po ang efforts ng gobyerno sa bagay na ito,” ayon kay Bishop Baylon.

Nagpapasalamat din ang obispo sa pagtutulungan ng bawat isa at gayundin ang pagnanais ng marami na makatulong sa mga biktima ng bagyo sa kanilang lalawigan.

“Meron kaming tinatawag na PADRE Fund ito po ay Parish Assistance for Disaster Response Situation na para sa emergency fund namin so PADRE ang tawag namin PADRE Fund. Syempre especially ngayong COVID itong pandemic na ito ay hindi masyadong malaki ang capacity ng parishes to get this fund kasi halos walang nakukuhang mga activities and income ang mga parokya. So meron po kaming Social Action Center at dito ay may nalilikom kami at patuloy kaming tumatanggap ng tulong sa mga may mabubuting puso na gustong tumulong sa amin and in fact I must say I am grateful and happily na kahapon ay there was already various of people asking for numbers and for information kung papaano sila makakapagpadala ng tulong so we provided already a number from the Social Action Center po at ito ang ibinibigay namin salamat po. And of course sa Caritas Manila has also already sent us a certain amount so maraming maraming salamat sa pagtulong niyo, ” ayon kay Bishop Baylon.

Diocese of Daet

Nagpapasalamat naman si Daet Bishop Rex Andrew Alarcon sa tulong na ibinihagi ng Caritas Manila para sa mga nasalanta sa kanilang lalawigan kung saan 70-libong pamilya ang naapektuhan.

“We are very thankful for the help (Caritas Manila) because that will also help us in the relief operations ng mga nangangailangan dito sa Camarines Norte,” ayon sa obispo.

Ayon pa sa obispo, “Right now, we are initiating the relief operations and assistance po dito locally and also to help Virac, Albay and also some part of CamSur.”

Diocese of Gumaca

Inihayag naman ni Gumaca Bishop Victor na tulad ng lalawigan ng Albay ay labis din ang pinsala na tinamo ng Gumaca sa nagdaang bagyo.

Sa ulat ng social action center ng diocese, may 10-libong pamilya ang labis na nasalanta maging ang kanilang mga kabuhayan. Nagpapapasalamat naman ang obispo sa lahat ng mga nagpaabot ng panalangin at tulong sa kanilang mamamayan.

“Marami naman ang nagbubukas ng kanilang puso para sa aming pangangailangan. Sila ay nagmamalakasakit para sa amin at Salamat sa Diyos sa kanilang pagbubukas ng puso,” ayon pa sa obispo.

Patuloy pa rin ang panawagan ng obispo sa pangangailangan ng mamamayan kabilang na ang mga pagkain, tubig, gamot, damit, kumot at mga trapal para sa kanilang pansamantalang tutuluyan.

Hiling din ng obispo ang mga sabon panligo at panlaba gayundin ang mga facemasks at alcohol bilang proteksyon laban pa rin sa pinangambahang pagkahawa mula sa novel coronavirus lalu’t may pagkakataon na hindi maiiwasan ang dami ng mga tao sa evacuation area.

Una na ring nagbigay ng paunang tulong ang Caritas Manila ng halagang isang milyong piso para sa mga apektadong diyosesis o tig-200 libong piso para sa Caceres, Daet, Virac, Catanduanes at Gumaca.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 38,068 total views

 38,068 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 52,724 total views

 52,724 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 62,839 total views

 62,839 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 72,416 total views

 72,416 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 92,405 total views

 92,405 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Marian Pulgo

Set aside politics, panawagan ni Archbishop Jumoad sa nagbabangayang pulitiko

 15 total views

 15 total views Nanawagan si Archbishop Martin Jumoad ng Ozamis sa mga lider ng pamahalaan na itigil ang labis na pulitika at ituon ang kanilang atensyon sa paglilingkod sa taumbayan. Sa panayam ng Radyo Veritas, hinimok niya ang mga opisyal na gampanan ang kanilang tungkulin nang may dignidad at integridad upang maabot ang tunay na pag-unlad

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Makaraan ang 14-taong pagkakulong sa Indonesia: Veloso, makakauwi na ng Pilipinas

 1,373 total views

 1,373 total views Matapos ang mahigit sa isang dekadang pakikipag-usap at apela sa Indonesian government ay makakauwi na ng Pilipinas si Mary Jane Veloso, ang Filipina Overseas Filipino Worker na naaresto nuong 2010 sa Indonesia at nahatulan ng parusang kamatayan. Ito ang inanunsiyo sa inilabas na pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sinabi ng Pangulo

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Katarungan, hangad ng mga naulila ng EJK

 2,923 total views

 2,923 total views Umaasa ang mga naulilang biktima ng extra judicial killings na makakamit ang katarungan at mapapanagot ang mga nagkasala sa ipinatupad na marahas na drug war ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ginaganap na pagdinig ng Quad Committee ng Mababang Kapulungan. Ito ang panalangin ng mga naulila sa ginanap na Misa para sa

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Simbahan, nakahandang makipagdayalogo sa mga kandidato

 3,048 total views

 3,048 total views Kaugnay sa nalalapit na halalan sa susunod na taon, tiniyak ng simbahan ang kahandaan na makipagdayalogo sa mga kandidato, at sa nais na humingi ng panalangin. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangan ng sambayanan sa kasalukuyan ang mga pinunong may malakasakit, magtataguyod ng tunay at tapat na pamamahala na siyang pinaninindigan ng

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Pagkumpiska ng ilegal na nabiling ari-arian ng mga dayuhan, isinulong sa Kamara

 4,711 total views

 4,711 total views Inihain sa Mababang Kapulungan ang panukalang batas na magbibigay kapangyarihan sa gobyerno na bawiin o kumpiskahin ang mga ari-arian na ilegal na nabili ng mga dayuhan, lalo na ang kaugnay sa mga illegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). Ang House Bill (HB) No. 11043, na kilala rin bilang “Civil Forfeiture Act,” ay

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

Batasang Pambansa, nagbigay pugay sa mga nasawi sa bagyong Kristine

 5,833 total views

 5,833 total views Magnilay, manalangin at magbigay pugay sa alaalang iniwan ng mga nasawi dulot ng Bagyong Kristine. Ito ang paghihimok ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa sambayanang Filipino kasabay na rin proklamasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagtatakda ng November 4 bilang National Day of Mourning. Sa nagdaang kalamidad, umaabot sa higit isang daan

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Duterte, hindi maikailang ipinag-utos ang pagpatay sa mga sangkot sa kalakalan ng droga

 6,901 total views

 6,901 total views Hindi maikakaila na may ipinag-utos ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na paslangin ang sinumang may kinalaman sa ilegal na kalakalan ng droga. Ito ang naging reaksyon ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Permanent Committee on Public Affairs sa mga pahayag ni Duterte

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Caritas Manila, ikakasa ang 2nd-round na tulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

 6,291 total views

 6,291 total views Naghahanda na ang Caritas Manila sa second-round ng pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng bayong Kristine. Ito ang inihayag ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila kasabay ng isinasagawang Typhoon Kristine Telethon ng Caritas Manila at Radio Veritas. Unang nagbahagi ng kabuuang 1.2 milyong piso cash ang social arm

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila Damayan telethon for typhoon Kristine, isasagawa ng Radio Veritas

 10,467 total views

 10,467 total views Bunsod ng malawak na pinsala na iniwan ng bagyong Kristine, inaanyayahan ang mga Kapanalig ng Radio Veritas at Caritas Manila na makibahagi sa isasagawang telethon sa Lunes, Oktubre 28, 2024. Gaganapin ang Caritas Manila Damayan Typhoon Kristine Telethon sa Kapanalig na himpilan ng Radyo Veritas simula, ika-pito ng umaga hanggang sa ikaanim ng

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

Archdiocese of Manila, magsasagawa ng second collection para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

 6,485 total views

 6,485 total views Ipinag-utos ng Arkidiyosesis ng Maynila ang pagsasagawa ng second collection sa lahat ng misa sa Sabado, October 26, at Linggo, October 27, bilang tugon sa pangangailangan ng mga biktima ng Bagyong Kristine, kung saan matinding napinsala ang Bicol Region at Quezon Province. Sa Circular No. 2024-75 na inilabas ni Manila Archbishop Jose Cardinal.

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Igalang ang labi ng mga yumao

 7,650 total views

 7,650 total views Mahalaga ang pagpapakita ng respeto at paggalang sa mga labi ng yumao, alinsunod sa mga turo ng simbahan. Ito ang mensahe ni Fr. Joel Saballa ng Diocese of Novaliches bilang reaksyon sa kontrobersyal na pahayag ni Vice President Sara Duterte na huhukayin niya ang labi ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. kung magpapatuloy

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Imbestigasyon ng Senado sa EJK’s, hindi naakma

 8,173 total views

 8,173 total views Walang anumang batas na nagbabawal sa senado na magsagawa ng parallel investigation sa iniimbestigahan ng Mababang Kapulungan kaugnay sa extrajudicial killings na iniuugnay sa kampanya kontra droga ng nakalipas na administrasyong Duterte. Ito ang sinabi ni House Committee on Dangerous Drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers-na siya ring lead chair ng Quad Committee-

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Total clean-up sa PNP, panawagan ng Obispo

 8,885 total views

 8,885 total views Pinaalalahanan ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang mga kabataan na ang pagiging alagad ng batas ay hindi lamang isang uri ng trabaho kundi isang bokasyon. Ito ang mensahe ng Obispo sa pagkakasangkot ng ilang mga uniformed personnel, lalo na ang mga opisyal ng Philippine National Police sa isyu

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dalawang panukalang batas, inihain sa Kamara: EJK bilang karumal-dumal na krimen, pagbabawal ng offshore gaming

 10,258 total views

 10,258 total views Dalawang panukalang batas na bunga ng isinagawang pagdinig ng Quad Committee ang isinumite sa Mababang Kapulungan, ang tuluyang pagbabawal sa POGO at pagkilala sa extra judicial killing (EJK) bilang isang karumal-dumal na krimen. Anti-Offshore Gaming Operations Act Ang Anti-Offshore Gaming Operations Act ay naglalayong ipagbawal ang lahat ng uri ng offshore gaming sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Parusa sa mga sangkot sa pekeng war on drugs, hiling ng mga Pari

 15,626 total views

 15,626 total views Pangunahing paksa ng ika-walong pagdinig ng Quad Committee ng Kamara ang isyu ng extra judicial killings (EJK), na iniuugnay sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Bago ang pagdinig, isang misa ang idinaos sa House of Representatives People’s Center na pinangunahan nina Fr. Joel Saballa-ng Caritas Novaliches, Fr. Noel

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top