Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tulungan ang mga apektado ng bagyong Enteng, panawagan ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

 13,319 total views

Ipinapanalangin ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage ang katatagan ng mamamayan sa gitna ng kinakaharap na hamon bunsod ng kalamidad.

Dalangin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang kasalukuyang parish priest ng international shrine ang katatagan ng mga biktima ng malawakang pagbahang dulot ng Bagyong Enteng at Habagat lalo na sa lalawigan ng Rizal na labis apektado ng kalamidad.

“Lord, we ask for your peace to surround those who are grieving. May they feel your presence and find solace in your love. Grant them the courage to face each day and the hope to carry on, even in the midst of their sorrow,” bahagi ng panalangin ni Bishop Santos.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nasa 10 katao ang nasawi sa pananalasa ng bagyo na karamihan ay mula sa Calabarzon Region kung saan pitong katao ang nasawi sa Antipolo City, Rizal dahil sa pagkalunod at landslide.
Idinulog ni Bishop Santos sa kalinga ng Mahal na Birheng Maria ang mga biktima ng sakuna gayundin ang panawagan ng pagtutulungan para makabangon mula sa trahedya ang apektadong mamamayan.

“We pray for the safety and protection of all those affected by the floods. Provide them with shelter, food, and the support they need to rebuild their lives. Guide the hands of the rescuers and volunteers, giving them the strength and wisdom to help those in need,” ani Bishop Santos.
Halos 38-libong pamilya o mahigit sa 147-libong indibidwal ang apektado ng weather disturbance sa Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, at National Capital Region.

Kumikilos na rin ang Caritas network ng iba’t ibang diyosesis sa bansa upang makapaghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo at habagat lalo na sa mga pamilyang nanatili sa mga evacuation centers.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Paghuhugas-kamay

 6,773 total views

 6,773 total views Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo tungkol sa pagpapakasakit ni Hesus, maaalala ninyong nagpakuha ng tubig si Poncio Pilato, ang gobernador ng Roma, at naghugas ng kamay sa harap ng mga tao. “Wala akong pananagutan sa dugo ng taong ito,” wika niya. Wala na raw siyang magagawa sa kagustuhan ng mga taong patawan ng parusang

Read More »

Diwa ng EDSA

 15,181 total views

 15,181 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 76 milyong Pilipino ang bumubuo sa tinatawag na voting population o mga nasa tamang edad na para makaboto. Sa bilang na ito, kulang-kulang 70 milyon ang registered voters. Pinakamarami ang mula sa mga batang henerasyon gaya ng mga Millennials at Generation Z; 63% o anim sa bawat sampung

Read More »

Hindi nakakatawa

 22,423 total views

 22,423 total views Mga Kapanalig, mababasa natin ang paalalang ito sa Tito 2:7-8: “Sa lahat ng paraan, maging halimbawa ka ng mabuting ugali at maging tapat ka at kagalang-galang sa iyong pagtuturo. Nararapat na pananalita ang lagi mong gamitin upang hindi mapintasan ninuman ang mga sinasabi mo.” Hindi tumatatak ang mga salitang ito kay dating Pangulong

Read More »

Be Done Forthwith

 38,274 total views

 38,274 total views Kapanalig, ito ang binibigyan-diin ng Article XI, Section 3, paragraph 4 ng 1987 constitution na kautusan sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso o Senado sa aksyon sa isang impeachment case na ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso o Kamara. Malinaw na kapag natanggap ng Senado ang verified complaint o impeachment resolution na inihain

Read More »

Sino Ang Nagsi-Sinungaling

 46,519 total views

 46,519 total views Sa ating bansa, usong-uso ang price hike… lahat na lamang ng pangunahing bilihin at serbisyo publiko., tumataas ang halaga o presyo. Ang sagot nating mga Pilipino, maghigpit ng sinturon. Paano naman Kapanalig kung wala kang pambili? Nagdeklara na ang Department of Agriculture ng national food security emergency. Katwiran ng DA, upang matugunan ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Bishop Uy: Maging mapagbantay at masigasig sa pagsusulong ng Katotohanan

 310 total views

 310 total views Hinikayat ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mamamayan na maging mapanuri at masigasig sa pagtataguyod ng katotohanan sa gitna ng laganap na misinformation at disinformation sa lipunan. Ayon sa obispo, dapat maging maingat ang mga mananampalataya sa mga balitang nababasa at napapanood, lalo na sa online platforms, dahil sa pag-usbong ng teknolohiya, nagiging

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mahalaga na nakaugat sa Diyos ang mga batas ng lipunan- Bishop Ayuban

 403 total views

 403 total views Nanindigan si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., CMF na ang mga batas na ipinatutupad sa lipunan ay dapat na nakaugat sa mga turo ng Panginoon upang mapanatili ang katatagan ng pamayanan. Sa nagpapatuloy na National Convention ng Canon Law Society of the Philippines, na may temang “The Church and the State: Distinct but

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Ang tunay na maka-Diyos ay maka-Bayan din!

 794 total views

 794 total views Ito ang mensahe ni Balanga Bishop Rufino Sescon Jr., sa kanyang episcopal ordination na ginanap sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception nitong February 25 kasabay ng 39th EDSA People Power Anniversary. “I pray that we may never forget that to be a good Christian, a good priest, a good

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Holy hour para sa kagalingan ng Santo Papa, isasagawa ng Diocese of Malolos

 1,743 total views

 1,743 total views Magsasagawa ng Holy Hour ang Diocese of Malolos para sa natatanging intensyon ng kagalingan ng Papa Francisco kasabay ng patuloy na gamutan nito dsa Gemelli Hospital. Inatasan ni Bishop Dennis Villarojo ang lahat ng mga parokya ng diyosesis na maglaan ng oras para sa holy hour ngayong February 26 bilang pakikiisa sa buong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pangulong Marcos, ipinagdarasal ang kagalingan ni Pope Francis

 1,772 total views

 1,772 total views Kasama ang sambayanang Filipino, nakikiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa buong mundo sa pananalangin para sa agarang paggaling ni Pope Francis. Ikinalulungkot ng Pangulong Marcos, ang kasalukuyang kalagayan ng Santo Papa dulot na rin ng kanyang karamdaman. “Nakakalungkot na marinig ang malubhang karamdaman ni Pope Francis. Sa mga sandaling ito, kaisa tayo

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pilipinas muling itinalaga sa pangangalaga ng birheng Maria

 1,898 total views

 1,898 total views Muling itinalaga ang Pilipinas sa mapagkalingang pangangalaga sa Mahal na Birhen, Reyna ng Kapayapaan. Pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang consecration sa ikawalong araw ng misa nobenaryo ng National Shrine of Mary Queen of Peace of EDSA Shrine nitong February 23. Ayon sa cardinal ang pagtalaga ay tanda ng paninindigang patuloy

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Papal Nuncio to the Philippines, nanawagan ng suporta sa Walk for Life

 5,134 total views

 5,134 total views Hinimok ng kinatawan ni Pope Francis sa Pilipinas ang mga Pilipino na suportahan ang mga gawaing naglalayong isulong ang dignidad at kahalagahan ng buhay. Ayon kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown nahaharap sa maraming banta ang buhay ng tao mula sa mga isinusulong na batas na lumalabag sa kasagraduhan ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Panalangin sa paggaling ni Pope Francis, apela ng Papal Nuncio to the Philippines

 5,746 total views

 5,746 total views Umapela ng panalangin si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown para sa dagliang paggaling ng Kanyang Kabanalan Francisco. Sinabi ng nuncio na sa kasalukuyang kalagayan ng santo papa mahalaga ang pagbubuklod ng kristiyanong pamayanan para hilingin ang kagalingan gayundin sa mga taong nangangalaga sa kalusugan ni Pope Francis. “I appeal to

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Radio Veritas, nagbigay-pugay sa namayapang si Matutina

 5,468 total views

 5,468 total views Kinilala at pinasalamatan ng Radio Veritas ang komedyanteng si Matutina o Evelyn Bontogon-Guerrero sa pagiging bahagi nito sa himpilan noong taong 2005. Sa pahayag ng himpilan batid nito ang malaking ambag ni Guerrero sa patuloy na paglawak ng naaabot ng pagsahimpapawid dahil sa kanyang dedikasyong magbahagi ng mga impormasyong kapupulutan ng aral at

Read More »
Cultural
Norman Dequia

EDSA People Power, hindi dapat kalimutan ng mga Pilipino

 5,937 total views

 5,937 total views Iginiit ni National Shrine of Mary, Queen of Peace o EDSA Shrine Rector Fr. Jerome Secillano na dapat manatiling buhay sa kamalayan ng mga Pilipino ang diwa ng mapayapang rebolusyon. Sinabi ng pari na kailanman ay hindi dapat makalimutan ang pagbubuklod ng mga Pilipino noong 1986 na nagpamalas sa buong mundo ng pagkakaisa,

Read More »
Cultural
Norman Dequia

6 na pari ng Diocese of Malolos, ginawaran ng pontifical honor

 6,337 total views

 6,337 total views Ginawaran ng pontifical honor ng Kanyang Kabanalan Francisco ang anim na pari ng Diocese of Malolos dahil sa dedikasyon at natatanging paglilingkod sa simbahan. Ayon sa diyosesis kabilang sa mga itinalagang ‘Chaplain to His Holiness’ na hihiranging monsignor sina Fr. Narciso Sampana, Fr. Domingo Salonga, Fr. Leocadio de Jesus, Fr. Florentino Concepcion, Fr.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

The Church will never abandon celibacy, paninindigan ng Papal Nuncio to the Philippines

 6,566 total views

 6,566 total views Tiniyak ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na mananatiling mahalagang disiplina sa mga lingkod ng simbahan ang celibacy. Sa pastoral visit ng nuncio sa programang Barangay Simbayanan ng Radio Veritas 846, pinawi nito ang agam-agam ng ilang mananampalataya hinggil sa pag-apruba ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Permanent

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Synodal conversion, misyon ng MAGPAS 2025

 5,917 total views

 5,917 total views Inaanyayahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mamamayan na makiisa sa Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly o MAGPAS. Isasagawa ang arkidiyosesanong pagtitipon sa March 8 araw ng Sabado sa Archdiocesan Shrine of Saint Joseph – San Jose de Trozo Parish na itinalagang Jubilee Church of Workers and Laborers. Ayon kay

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pahalagahan ang paglalakbay sa mundo

 7,191 total views

 7,191 total views Pinaalalahanan ni CBCP Office on Stewardship Chairperson, Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mamamayan na dapat pahalagahan ang paglalakbay sa mundo. Ayon sa obispo hindi maihalintulad sa isang turista na namamasyal at pinagmamasdan ang kagandahan ng lugar ang paglalakbay ng tao sa halip ay dapat pagsumikapang maging makabuluhan upang matamasa ang buhay na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na makiisa sa Walk for Life 2025

 9,889 total views

 9,889 total views Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mamamayan na makiisa sa Walk for Life: Walk for Hope 2025. Ayon sa arsobispo mahalaga ang pagbubuklod ng mamamayan lalo ngayong taon sa diwa ng Jubilee Year na may temang Pilgrims of Hope upang higit na maisulong sa lipunan ang pagtataguyod ng buhay.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top