190 total views
Ito ang layunin ng Pag Ibig Fund sa pagsasagawa ng mass wedding para sa mga mag-asawa sa buong bansa.
Ayon kay Atty. Karin Lei Garcia, Vice President for Public Relations and Information Services ng Pag ibig Fund, nais ng ahensya na magkaroon ng wastong kaalaman ang bawat kasapi sa mga benepisyo ng ahensya at mga programa na makatutulong sa mamamayan.
“Unang una po we want to encourage more members more filipino workers to join Pag ibig fund, dahil mandato po ng pag ibig ay dalawa, mag impok for a good life pangalawa ay para po magkabahay kayo,” pahayag ni Garcia sa Radio Veritas.
Batay sa katuruan ng Simbahang Katolika, hinimok nito ang bawat institusyon sa lipunan sa pangunguna ng pamahalaan na bigyan ng serbisyo ang nasasakupan lalo na sa pagpapatibay ng pamilya.
Binigyang diin ng Simbahan na mas mahalaga ang pagtanggap ng sakramento ng pag-iisang dibdib para maging sentro ng pagsasama ng mag-asawa ang panginoon na magpapatibay sa pundasyon ng pamilya.
Batay sa ebanghelyo ni San Marcos talata 10 kabanata 9 “Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinuman.”
Inihayag ni Atty. Garci na walong taon nang ginagawa ng Pag Ibig Fund ang kasalang bayan tuwing ika – 14 ng Pebrero kasabay ng Valentines Day kung saan ngayong taon mahigit sa 1, 500 mga mag-asawa ang benepisyaryo ng ‘I do, I do! Araw ng Pag-IBIG’ sa buong Pilipinas.
Bago ang seremonya, pinaalalahanan ni Associate Justice Remedios Salazar-Fernando ang mga ikakasal na panatilihing sentro sa pagsasama ang Panginoon.
Sa kabuuan higit 20, 000 mag-asawa na ang natulungan ng ahensya na mapag-isang dibdib mula noong 2012 kung saan 2014 kinilala ito ng Philippine Book of Records na may pinakamaraming sumali sa kasalan bayan na umabot sa higit 4, 000.