1,446 total views
Ang lahat ay may karapatang mabuhay, magbalik loob at maging kapakipakinabang sa lipunan.
Ito ang panuntunan ng Facenda da Esperanza kaugnay na rin sa kanilang pagkalinga sa mga taong nalulong sa masamang bisyo.
Ayon kay Cathlyn Meneses ng Facenda da Esperanza, taong 2005 nang itatag ang Facenda sa Naga at Masbate na tinatayang may 100 pasyente.
Ang Facenda da Esperanza ay nagsimula sa San Paolo, Brazil at matatagpuan sa may anim na bansa sa buong mundo.
“Every life has hope. We do not agree to killing, buhay yan e. And we give importance to that and as much as we can help we will help,” ayon kay Meneses.
Ayon kay Meneses tumatagal ng isang taon ang programa at nagsasagawa ng assesment sa mga pasyente sa loob ng anim na buwan kung para malaman kung kailangan pang palawigin ang pananatili sa loob ng center.
Ayon pa kay Meneses may silang 3 pillars for rehabilitation para sa mga pasyent ng Facenda ito ay ang spirituality, community and work. Ito aniya ay malaking tulong sa pagbabago hindi lang sa nga taong lulong sa droga kundi maging sa ibang uri ng addiction.
“I think it’s the 3 pillars, the focus on spirituality, community and work. Araw-araw talaga na magbabasa ng bible, community tuturuan ka mamuhay with other people so iba-iba talaga ang ugali ng mga tao na makakasama mo sa farm. That is teaching you how to live with the community, talagang sharing walang kanya-kanya pagkain. And the last one is work, Facenda is self sustaining yung mga bahay magkakafood ka kung magtatanim ka, magtitinda. Mayroong magbe-bake, pastries that we sell in a store. Yun ang income namin to grow or to pay for the house, food and electricity,” ayon kay Meneses.
Si Meneses ay isa sa panauhin sa 4th Philippine Conference on New Evangelization na nagbahagi ng kanilang karanasan sa pagsasabuhay ng mabuting balita ang pagtulong at pagkalinga sa kapwa.
Ang PCNE4 ay may temang “One Heart and Soul” ay 3 day conference simula July 28-30 na isinasagawa sa Quadricentennial Pavilion ng University of Santo Tomas.