176 total views
Ikinabahala ni San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP)-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education ang inilabas na pag–aaral ng National Economic Development Authority (NEDA) na 26 na milyong Pilipino ang nanatiling mahirap at halos 12 milyon naman ang nanatili sa matinding kahirapan at walang makain.
Naniniwala si Bishop Mallari sa panawagan ni Pope Francis na responsibilidad ng bawat mananampalataya na matulungan ang kapwa nating nangangailangan at nagugutom.
Hinimok ng Obispo ang mga Pilipino na iwaksi na ang kultura ng kawalang paki–alam at pairalin ang kultura ng pagkakawang– gawa.
“Definitely nakakabagabag yan para sa ating lahat despite the efforts na sinasabi ng gobyerno yung poverty alleviation. Kasi nga yung sinasabi ng Holy Father this is the responsibility of everyone dapat tayong lahat talaga ay gumawa ng paraan at we have to give our contribution dito sa poverty alleviation. Yung isang sinasabi niya na minimithi niya sa ating lahat is to to awaken sensibility in all of us. Kasi Kasi ayaw natin itong nakikita nating katotohanan ng kahirapan we no longer feel what our people are feelingespecially yunbg mga nakakararanas ng pagkagutom,” bahagi ng pahayag ni Bishop Mallari sa panayam ng Veritas Patrol.
Umaasa ang Obispo na maging hamon at pagkakataon ang datos na inilabas ng NEDA upang kumillos ang lahat sa pagmamalasakit sa kapwa at maisabuhay ang 7 corporal and spiritual works of mercy ngayong Jubilee Year of Mercy.
“I think itong panahon ng Jubilee Year of Mercy ay isang magandang pagkakataon para sa ating lahat para tutukan yung 7 corporal works of mercy at yung 7 spiritual works of mercy sa mga kapatid nating dumadaan ng kahirapan. I hope na itong ginawang study na ito ng NEDA will not make us hopeless but to challenge us to do something for the needy that will awaken sensibility in all of us to really do our part for our brothers who are into poverty,” giit ni Bishop Mallari sa Radyo Veritas.
Sa datos naman ng Philippine Statistics Authority o PSA na 12.1 percent ng populasyon ng bansa o 12.18 milyong Pilipino ang hindi sapat ang kanilang kinikita upang makakain ng tatlong beses sa isang araw.