223 total views
Ito ang hamon ng Kanyang Kabunyian Manila Abp Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya, sa misa ng Kapistahan ng Immaculada Concepcion sa Manila Cathedral noong ika-9 ng Disyembre.
Ayon sa Cardinal, tulad ng paghahanda sa mahal na birhen na ipinaglihing walang kasalanan, ang mga mananampalataya ay inihahanda na rin ng Diyos sa tungkuling dapat nitong gampanan.
“God has chosen us in Jesus, and this choosing, this calling comes with a spiritual blessing.” Bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.
Dahil dito, umaasa ang Cardinal na sa pagtulad ng mga mananampalataya kay Maria ay magiging daan ang mga ito ng pagkakasundo o “harmony” na idinulot ng bugtong na anak na dinala ng mahal na birhen sa sanlibutan.
“Harmony was restored, dialogue is possible again, because the word was with her full of grace. She was graced, she was called and she was in full accord with the will of God and thru her specially thru her son… the dialogue with God will continue it will never be broken again.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.
Ang Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary ang itinuturing na Principal Patroness sa Pilipinas.
Ipinagdiriwang ito ng ika-8 ng Disyembre, gayunman ayon sa Table of Liturgical Precedence mas mataas ang pagdiriwang ng linggo ng adbiyento sa pagdiriwang ng kapistahan patungkol sa Mahal na Birheng Maria.
Dahil dito ang solemnity o kapistahan ng Immaculada Concepcion ay inililipat sa sunod na araw kapag ito ay natapat ng linggo.