156 total views
“Tunay na kapayapaan.”
Ito ang kahilingan ni Novaliches Bishop emeritus Teodoro Bacani Jr., ngayong kapaskuhan sa sambayanang Filipino.
Ayon sa obispo, nawa maramdaman ng bawat isa ang tunay na kasiyahan ng walang takot habang ipinagdiriwang ang kapanganakan ng tagapagligtas.
Dagdag ni Bishop Bacani, ang pasko ay maging simbolo nawa ng kaligtasan ng lahat ng mga Filipino.
“Ang wish ko para sa Christmas ay yung tunay na kapayapaan, hindi yung kapayapaan ng sementeryo kundi ang kapayapaan ng pasko, dumating na ang nagbibigay buhay, hindi yung kapayapaan na mga taong natatakot kundi ng kapayapaan ng mga taong tunay na nagsasaya. Ang Christmas message, I bring you good news of heart and joy, to all the people a savior has been born to you who is Christ the Lord, tingnan mo ngayon humigit kumulang 8-10 Filipino takot na sila ay mapatay hindi yan good news hindi yan peace, A savior has been born to you, hindi naman sinabi na a killer has been given to you, kundi a savior who will save you. Sino ang nangangailangan ng kaligtasan yung mga nalilingaw, ngayon sa halip na safe sila pinapatay sila, nakakalungkot.” Pahayag ni Bishop Bacani sa panayam ng Radio Veritas.
Pahayag ito ng obispo kaugnay na rin sa patuloy na pagdami ng kaso ng death under investigation ngayon kasabay ng kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), nasa 2,124 na pinaghihinalaang users at pusher ang napatay mula Hulyo 1 hanggang Disyembre 18 ng taon habang nasa 3,993 ang kaso ng death under investigation.