334 total views
Ito ang binigyan diin ni Bishop elect Bartolome Santos ng Diocese of Iba,Zambales sa paggunita ng Pilipinas sa ika-32 anibersaryo ng Edsa People Power revolution o itinuturing na “Bloodless Revolution” sa kasaysayan ng buong mundo.
“Sa atin pong bansa ang kapayapaan ay nasa ating dugo, nasa ating pananampalataya at nasa ating pananalig. Ang Diyos ay Diyos ng Awa at Diyos ng kapayapaan.” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas
Hinimok ni Bishop Santos ang mga Pilipino na magpasalamat sa Panginoon matapos nating makamtan sa mapayapang paraan ang kalayaan mula sa diktaduryang Marcos.
Hinikayat din ng Obispo ang mamamayang Pilipino na patuloy na humingi ng tulong sa Diyos upang pairalin ang mapayapang paraan sa ating hangarin na pagbabago, pag-ahon sa mga mahihirap mula sa karalitaan at magkaroon ng tunay na pagtulong sa mga dukha.
“Sa ika-32 taon ng anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, the peaceful revolution tayo ay patuloy na nagpapasalamat sa Panginoong Diyos na ang paraan na mapayapa ay ating nakamtan. Ngunit patuloy pa rin naman tayong humihingi ng tulong sa Panginoon upang pairalin natin ang mas mapayapang paraan sa anumang hangarin sa ating bansa pagbabago man ito o pag-usad, pag-ahon sa mga taong mahihirap at pagkakaroon talaga ng ganap at tunay na pagtulong sa mga nangangailangan.” panawagan ni Bishop Santos
Inaanyayahan din ni Bishop Santos ang mga Katoliko na sa pagdarasal ng Santo Rosaryo ay hilingin kay birheng Maria at birhen ng Fatima upang ating makamit ang tunay na kapayapaan sa bansa
Ang imahen ng Mahal na Birheng Maria lalo na po ang Mahal na Birhen ng Fatima ay kasama natin doon sa paglalakbay na yun(EDSA).
Patuloy po nating hilingin ang tulong niya upang talagang makamit ang kapayapaan ng ating pong bansa.”paanyaya ni Bishop Santos
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ang grupong GOMBURZA ng “Dasal at Ayuno laban sa cha-cha,para sa demokrasya.