542 total views
Ito ang binigyang diin ni Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People kaugnay sa pagsusulong ng Senate Bill 29 o Parents Welfare Act of 2019.
Ayon sa Obispo, ito rin ang nasasaad sa ikalimang utos ng Diyos na “Igalang mo ang iyong ama at ina.”
Inihayag ni Bishop Santos na bukod sa pagsunod ditto ay nararapat na suklian ng mga anak ang ginawang pag-aaruga sa kanila ng kanilang magulang.
Naniniwala si Bishop Santos na anuman ang marating ng isang tao, ito ay dahil sa kanilang magulang na nag-alay ng mga sakripisyo para sa mga anak.
“5th commandment is “Honour your Father and Mother.” Aside from obeying God, it is just and right to take care of our parents. For what the children are and will be, is just because of the sacrifices and services.” pahayag ng Obispo sa Radyo Veritas.
Ipinaalala ni Bishop Santos na ang pag-aalaga sa magulang ay dapat kusa nang ginagawa ng mga anak bilang pagpapakita ng pasasalamat at pagmamahal.
“Children ought and should take care of their parents. This shows their gratitude and love for them as they parents reared and took good care of them.” Dagdag pa ni Bishop Santos.
Sa ilalim ng Senate Bill 29, maaring maghain ng petisyon laban sa mga anak na hindi masusuportahan ang kanilang magulang sa tatlong magkakasunod na buwan; P100,000 multa o anim na buwang pagkakakulong ang maaaring kaharapin dito.
Samantala, anim hanggang sampung taon at P300,000, ang parusa para sa mga anak na iiwan ang kanilang magulang sa isang Home for the Aged, na may intensyong abandonahin na ito habambuhay.