369 total views
Nakiisa si Former Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary at Former Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) Chairman Rafael ‘Mariano sa mga panawagan ng sektor ng Agrikultura sa bansa.
Ayon kay Mariano, mahalagang gumawa ng mga hakbang ang pamahalaan upang umunlad ang sektor ng agrikultura na pangunahing lumilikha ng pagkain ng Pilipinas.
“Mahalaga na yung gobyerno at mga kinauukulang ahensya o departamento ng pamahalaan, department of agriculture man yan ay siyempre hindi lamang nakikinig kungdi kumikilos yung kamay, may ginagawa”.pahatag ni Mariano
Umaasa si Mariano na huling pagpipilian lamang ang pag-tanggap ng mga imported agricultural products.
“Sa lokal na produksyon anumang produkto crops man yan o what kailangan ang una munang- ang nasa unahan ng solusyon paano lilikhain yung sapat na pangangailangan, last resort nalang yung mag-aangkat”.pahayag ni Mariano
Sa online event na “Consumers’ People Economics Series for Voters; Session 4, Are we building Filipino industries?” sa pangangasiwa ng IBON FOUNDATION ay tinalakay ang kahalagahan ng land reforms.
Sinabi ni University of the Philippines Dean of College of Science Dr. Giovanni Tapang na kulang ang basic industries na lumilikha ng mga lokal na produkto sa bansa.
Unang nanawagan ang Catholic Bishop’s conference of the Philippines ng suporta sa lokal na sektor ng agrikultura higit ngayong panahon ng pandemya.
Habang ang Kaniyang Kabanalang Francisco naman ay taon-taon ipinapabatid sa buong mundo ang kahalagahan ng pag-agapay sa sektor ng agrikultura.