29,497 total views
Pinangunahan ng 10th Infrantry Division ng Philippine Army katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang relief goods na donasyon ng United Arab Emirates (UAE) sa mga biktima ng landslide sa Maco, Davao De Oro.
Ipinamahagi sa mga mamamayang nananatili sa evacuation centers ng Masara, Davao De Oro ang relief goods na nagkakahalaga ng 55-million pesos sa panguguna ni U-A-E Ambassador to the Philippines Mohammed Obaid Alqattam Aizaba katulong si Davao De Oro Governor Dorothy Montejo Gonzaga, 1001st Infantry Brigade Commander Brigadier General Felix Ronnie Babac at DSWD Secretary Rex Gatchalian.
“Gusto sana nilang iturnover sa DSWD pero sabi namin sila na lang ang mga procure, sila na lang ang pumili ng mga laman na gusto nilang ibigay. Pauna lamang po ito na tulong ng United Arab Emirates. Hindi po kami ang lumapit sa kanila, sila ang pumunta sa aming tanggapan,” ayon sa menashe ni Gatchalian na ipinadala ng Philippine Army sa Radio Veritas.
Lubos naman ang pasasalamat ni Gatchalian sa mga tumulong upang maipamahagi ang relief goods sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng masamang panahon, matinding pagbaha at landslide sa lalawigan.
Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction Management Council, nasa 90-katao ang nasawi sa landslide sa Maco Davao De Oro.
Unang kinilala ni Military Ordinariate of the Philippines Bishops Oscar Jaime Florencio ang pinaigting na pakikipag-tulungan ng Armed Forces of the Philippines sa ibang bansa upang mapabilis ang pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayang masasalanta ng anumang uri ng kalamidad.