442 total views
Magtitipon ang mga pari mula sa walong ecclesiastical jurisdictions ng Bicol region na nasa ilalim ng manto ng Mahal na Ina ng Peñafrancia na siyang patron ng Bicolandia.
Nakatakda ang Union of Bicol Clergy Stronger (UBC) Synodal Brotherhood with Mary mula ika-13 hanggang ika-15 ng Setyembre, 2022.
Sa loob ng nasabing tatlong araw ay gugunitain at ipagdiwang ng mga pari ng walong ecclesiastical jurisdictions ng Bicol region ang kapistahan ng “Reina del Bicol” o ang Nuestra Señora de Peñafrancia.
Layunin ng U-B-C na sama-samang manalangin, magkatipon at maging magkakaibigan ang lahat ng mga paring lingkod ng Simbahan para sa mas malalim na pagkakapatiran sa ilalim ng paggabay ng Mahal na Ina.
“Eight ecclesiastical jurisdictions united under the Manto of INA, the patroness of Bicolandia, the Union of Bicol Clergy (UBC) is set to commence this September 13 which shall last until the 15th. All Bicolano clerics and clerics currently assigned in these 8 ecclesiastical jurisdictions in Bicol shall gather to celebrate the august feast of the “Reina del Bicol”, Nuestra Señora de Peñafrancia. Three days of prayer, sports and camaraderie towards a “stronger synodal brotherhood with Mary.”pahayag ng Union of Bicol Clergy (UBC).
Kabilang sa walong ecclesiastical jurisdictions ng Bicol region ang Arkidiyosesis ng Caceres, mga Diyosesis of Libmanan, Daet, Legazpi, Virac, Sorsogon at Masbate, kabilang na rin ang Military Ordinariate of the Philippines.