198 total views
Ipinagpapasa-Diyos na lamang ni dating Health Secretary Paulyn Jean Ubial ang pagbasura ng Commission on Appointment (CA) sa kanyang ad-interim appointment.
“I’m still positive. God will make way. Ipinagpapasadiyos ang hearing kahapon and pinasa Diyos ko na rin ang CA members at mga oppositor,” ayon kay Ubial.
Sinabi ni Ubial na mas pinakinggan ng miyembro ng CA ang pagtingin sa kanya ng mga tutol sa kaniyang appointment bilang kalihim sa halip na tingnan ang kanyang track record at serbisyo sa kagawaran sa loob ng 29 na taon.
“I don’t think the issue is important. Parang ang tingin ko po, whatever it is they judged me according to what other people said about me and not what I presented to them my performance and track record who I am and what I have done for this country and for DoH for the past 29 years,” ayon kay Ubial sa panayam ng programang Veritas Pilipinas.
Hindi rin nagustuhan ni Ubial na nadamay din sa kanyang pagsalang sa C-A ang isang post ng kanyang anak na hindi nagustuhan ni Senator Manny Pacquiao na isa sa oppositor.
Bago i-appoint bilang kalihim, una na ring naglingkod bilang assistant secretary si Ubial sa loob ng Health Department at nakapagsilbi na rin sa may 13 naging health secretary ng DoH.
Isa sa pangunahing adbokasiya ni Ubial ay ang pagsusulong ng natural family planning bilang tugon sa tumataas na bilang ng populasyon ng bansa at ang pagtutol sa panukalang pagtatakda ng pamahalaan ng bilang ng mga anak.
Si Ubial ay ang pinakahuling appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte na ni-reject ng C-A, kabilang na dito sina Rafael Mariano (DAR); Judy Taguiwalo (DSWD); Gina Lopez (DENR); at Perfecto Yasay (DFA).
Tiniyak naman ni Ubial na handa pa rin siyang maglingkod sa publiko, kahit walang posisyon sa pamahalaan.
“I’m still positive. God will make way. Ipinagpapasadiyos ang hearing kahapon and pinasa Diyos ko na rin ang CA members at mga oppositor,” ayon kay Ubiala
Una na ring binigyang halaga ng Santo Papa Francisco ang paglilingkod sa publiko bilang isang bokasyon dahil sa kabutihang hangad para sa mas nakakarami.