5 total views
nihayag ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang kahalagahan ng pagtitiwala sa Diyos sa gitna ng mga unos at pagsubok na kinakaharap.
Ito ang paalala ni Bishop Santos, na siya ring kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral, habang patuloy na hinaharap ng bansa ang magkakasunod na pananalasa ng malalakas na bagyo sa nagdaang mga linggo.
“In these times of relentless challenges brought by the series of destructive super typhoons, it is crucial to hold on to hope and stand resilient in the face of adversity. Our nation has weathered many storms, and together, we can overcome these trials with the same spirit of unity and strength that has always defined us,” ayon kay Bishop Santos.
Hinikayat ng obispo ang lahat na paigtingin ang kahandaan at maging alerto upang mapanatili ang kaligtasan ng sarili at mga mahal sa buhay.
Binigyang-diin ni Bishop Santos na mahalaga ang pagkakaroon ng mga emergency plan, pag-iimbak ng mga pangunahing pangangailangan, at pagsunod sa mga babala at utos ng mga lokal na pamahalaan.
Ipinaalala rin ng obispo ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan sa panahon ng sakuna dahil nagdudulot ito ng kaginhawaan sa mga nangangailangan at nagpapaalala na ang bawat isa’y may karamay sa pagharap sa mga hamon ng buhay.
Hamon naman ni Bishop Santos sa lahat ang pagkakaroon ng lakas ng loob at pananalig sa kabila ng mga pangamba sapagkat ang pananampalataya ang magiging sandigan ng lahat upang muling makamit ang pag-asa.
“Let us stand together, support one another, and hold on to hope. Our collective strength, compassion, and faith will guide us through these turbulent times. Stay safe, stay strong, and let us remain hopeful,” saad ni Bishop Santos.
Sa nakalipas na tatlong linggo, limang bagyo ang dumaan at nagdulot ng pinsala sa bansa, kabilang ang mga bagyong Kristine, Leon, Marce, Nika, at Ofel.
Itinaas sa Signal No. 5 ang mainland Cagayan matapos ideklara bilang Super Typhoon ang Bagyong Ofel, ngunit ibinaba na muli sa Typhoon category bago ito nag-landfall sa bayan ng Baggao ala-1:30 ng hapon ng Huwebes.
Samantala, patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Tropical Storm Man-Yi, na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) Huwebes ng gabi at tatawaging Bagyong Pepito.