1,631 total views
Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pakikipagtulungan sa United Nations (UN) upang maisulong ang mga adbokasiya sa humanitarian aid.
Inihayag ito ni Department of National Defense secretary Gilbrerto Teodoro kay UN Resident Coordinator in the Philippines Gustavo Gonzalez.
Sa pagpupulong ay ibinahagi ni Teodoro ang pagpapatibay ng D-N-D sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) upang tugunan ang pangangailangan ng mga masasalanta ng kalamidad at katiyakan na hindi nababalot ng katiwalian ang ahensya.
“For his part, Mr. Gonzalez recognized that cooperation between the Philippines and the UN has particularly been growing in the area of disaster risk reduction and management, noting that the Philippines is considered by the UN as a model country for humanitarian aid due to the country’s resilience in the face of frequent onslaught of natural disasters,” ayon sa mensaneng ipinadala ng DND sa Radio Veritas.
Kasabay nito ang pagkilala ni Gustavo sa mga naunang inisyatibo ng pamahalaan upang patuloy na matugunan ang pangangailangan ng mga nasalanta ng kalamidad.
Ayon sa datos ng pamahalaan noong 2022, umabot sa 14-bilyong piso ang pondong ginamit sa disaster at humanatarian aid bilang pagtugon sa mga kalamidad na nananalasa sa bansa kung saan 6-bilyong piso ang labis na pondo para sa kabuong disaster response budget na umabot ng 20-bilyong piso.
Patuloy din ang pagiging aktibo ng mga Social Arm ng Caritas Philippines at Caritas Manila upang umagapay sa mga masasalanta ng kalamidad.
Noong 2022 umabot sa 200-milyong piso ang pondong nailaan ng Caritas Philippines sa ibat-ibang programa kabilang na ang disaster response habang naitala naman ng Caritas Manila na umabot sa mahigit 90-libong pamilya ang natulungan matapos manalasa ang mga bagyo at lindol noong nakalipas taon.