547 total views
Nagpasalamat si Ukrainian Khrystyna Neofita Chlond sa malakasakit ng Simbahang Katolika ng Pilipinas at mga mananampalataya para sa kaniyang bansa at kapwa Ukrainians na apektado ng pananakop ng Russia sa Ukraine.
Si Chlond na naninirahan sa Pilipinas kasama ang kaniyang pamilya ay dumalo sa “Mass for World Peace and Ukraine” na idinaos sa Our Lady of Fatima Parish sa Mandaluyong City kung saan ipinanalangin sa Mahal na Ina ng Fatima ang pamamagitan upang matigil na ang pag-iral ng Salot at Digmaan sa Mundo higit na sa Ukraine.
“I’m really greatful and I really appreciate this mass that just finished, I am grateful to everyone who attended for their prayers, for their open hearts and for their kindness,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Chlond.
Panawagan din ni Chlond sa mamamayang Pilipino ang patuloy na pananalangin para sa kaniyang mga kababayang lumilikas na dapat sana’y ginugunita rin ang kuwaresma sa Ukraine.
“Those days we are going thru lent but my people, Ukrainians now are on their way on the Calavaria Mountain I hope for your support, I hope for your prayers and I’m just asking don’t leave us alone,” ayon pa kay Chlond.
Nagpahayag naman si Fr. Carlos Reyes, kura paroko ng Our Lady of Fatima Parish sa hakbang ng pamahalaan nang lagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No.163 (EO 163) na layuning tulungan ang mga refugee mula sa Ukraine.
“Kung mayroon mang mga Ukrainian na gustong pumunta dito dapat nating tanggapin, nagpapasalamat din ako sa ating Pangulo na kaniyang tatanggapin yung mga refugee nang Ukrainian dito,” ayon sa panayam ng Radio Veritas sa Pari.
Buhat ng magsimula ang digmaan noong February 24, umaabot na sa sampung-libong katao ang nasasawi sa magkabilang kabilang na ang mga sundalo, sibilyan, bata at kababaihan.