514 total views
Tutulungan ng United Nations (UN) ang mga makakaranas ng krisis sa buong mundo.
Ipinangako ito ni Diana Garde – UN Population Funds (UNFPA) Humanitarian Coordinator sa joint media conference upang i-ulat ang mga naisagawa at gagawing pagtugon sa mga nasalanta ng Bagyong Odette noong December 2021.
Ayon kay Garde, higit na patitibayin ng humanitarian aid groups ang pagtugon sa pinsala at pagbangon ng mga biktima ng bagyo.
“I think it’s really nice after 6 and a half month time after landfall of Odette to come together to celebrate what we’re able to do and then potentially talk about if we’re all in the same room, there are still challenges ‘How do we respond to them now?’ how do we help this early recovery phase to get people back on their feet to make sure that some of this facilities here that we’re looking at are still broken, are still needing rooms. Are still needing medical supplies so what can we together to address the needs?,” pahayag ni Garde sa panayam ng Radio Veritas.
Bagamat natulungan na ang 2.4-milyong Pilipinong biktima ng kalamidad, ay ipinangako pa rin ng organisasyon ang patuloy na pag-agapay sa kanila hanggang sa muling maitayo ang mga nasirang imprastraktura ng Bagyong Odette.
Nais din ng UNFPA na maipagpatuloy ang paglilinang ng kasanayan ng mga social workers at midwives sa mga komunidad upang tugunan ang kalusugan ng kakabaihan lalu na ang mga nagdadalang tao.
“Aside from humanitarian we also do development work,and we work in what we call the ‘Nexus’ so humanitarian development and peace, those are the 3 areas that we work in so even if the humanatirian- if all of these problems are solve UNFPA would still be here working alongside the government to build up the system and to really strengthen the healthcare system and the protection system for women and all girls and one othe things that we do is a lot of capacity building so we work with our government partners,” ayon pa kay Garde.
Sa press conference, inulat ni UN Resident and Humanitarian Gustavo Gonzalez na umabot na sa 46% ng 169-milyong dolyar na target fund ang nalikom ng mahigit 200 humanatarian agencies at institusyon na tumutugon sa pangangailangan ng 2.4- mamamayang pilipino na nasalanta ng bagyo.
Bilang pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette, unang inilunsad ng Caritas Manila ang mga food at housing relief sa sampung diyosesis na lubhang naranasan ang pananalasa ng bagyo.
Ayon sa Caritas Manila, umaabot na sa 47-milyong piso ang inilaan na pondo bilang pagtugon sa pangangailangan ng mga nasalanta at pagkukumpuni o muling pagtatayo ng mga Simbahan na nasira ng bagyo.