257 total views
Itinuturing na regalo mula sa Diyos ang kauna-unahang ordination na ginawa ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo mula nang maitalagang Obispo ng Diocese.
“Gift to the church, it’s a grace from God. Pray for the Lord of the harvest that he would send forth laborers into his harvest.Luke 10:2.”mensahe ng Obispo
Ayon kay Bishop Bagaforo, sumentro ang kanyang homiliya sa kahalagahan ng mensahe dahil ang mga pari ang nagsisilbing medium ng mga pagninilay at salita ng Diyos.
Iginiit din ng Obispo ang kahalagahan ng pagsama ng mga pari sa kanyang sambayanan na maging kaisa sa kanilang paglalakbay sa buhay bilang tao at bilang katoliko.
Ipinaalala ni Bishop Bagaforo sa mga inordinahang pari na maging isang tunay na pastol at magkaroon ng puso tulad ni Hesus para sa kanyang pinapastulan.
“My homily was reminder of 3 things; 1. The medium is the message… the priests’ lives are reflections of d gospel. 2. Walk with your people, be with your people. 3. Be shepherds after the heart of Jesus.”bahagi ng homiliya ni Bishop Bagaforo.
Inordinahan ni Bishop Bagaforo si Father Rodel Balansag at Father Philip Bernaldez sa Mary Mediatrix of All Grace cathedral sa Kidapawan city na dinaluhan ng 100-pari.
Nagtapos ng Theology studies ang dalawang pari sa St. Francis Xavier Regional Major Seminary.
Ang Diocese of Kidapawan ay mayroong 798-libong Katoliko o katumbas ng 29.3-porsiyento ng catholic population.