Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

UNCHR, hindi malilinlang sa sitwasyon ng napatay sa war on drugs

SHARE THE TRUTH

 175 total views

Hindi malilinlang ng Philippine high-level delegation sa United Nations Commission on Human Rights (UNCHR) ang international community.

Ito ang binigyang diin ni Rose Trajano, Secretary General ng Phillippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) kaugnay sa naging presentasyon at rekomendasyon ng delegasyon ng Pilipinas sa UNCHR sa sitwasyon ng bansa sa gitna ng kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga.

Sinabi ni Trajano, hindi malilinlang ng mapagkubling presentation ng mga delegado ng bansa ang tunay na sitwasyon ng karahasan at malaking bilang ng mga namatay sa gitna ng tinaguriang War on Drugs ng pamahalaan.

“First time din po na may video-video presentation, saka slide presentation, nag-level up talaga ang presentation ng Pilipinas. Pero syempre ang finocus nila according to Senator Cayetano yung hindi daw nakikitang official policy ng Pilipinas so ang pinakita po nila ay yung mga clips ni President Duterte nung SONA na sinasabing sumusunod siya sa rule of law, puro declaration iba yung gawa, pero hindi naman po natin mapo-fool o maloloko ang international community kaya po doon sa mga recommendations na yun marami po ang nagsabi na iwasan o huwag mag-insight o parang mag-encourage ng pagpatay. So kahit sinasabi pa ni Senator Cayetano na ito ang official policy ng Presidente namin ay nakita ng international community ang nangyayari…” ang bahagi ng pahayag ni Trajano sa panayam sa Radio Veritas.

Una nang nilinaw ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, layunin ng isinagawang pagharap ng Philippine high-level delegation sa UNCHR na ilahad ang tunay na kalagayan ng bansa sa gitna ng laban ng pamahalaan laban sa ilegal na droga at hindi upang baguhin ang pananaw ng UN sa kalagayan ng human rights sa bansa.

Bukod dito, inihayag rin ng kalihim na ginagawa na ng pamahalaan ang naging rekomendasyon ng member-states ng UNCHR na pag-iimbestiga sa extra-judicial killings kasunod ng malaking bilang ng mga namatay sa gitna ng anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan at pagpapahayag ng pagkabahala maging ng international community sa nagaganap na karahasan sa bansa.

Batay pa sa tala ng PDEA: mayroon nang naitatalang 9,432 bilang ng homicide cases sa bansa mula ng magsimula ang Duterte Administration noong July 1, 2016 hanggang nitong March 31, 2017.

Mula sa naturang bilang ay 1,847 lamang anya ang mga namatay na may kinalaman sa iligal na droga habang 1,894 ang non-drug related at 5,691 ang patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad.

Una nang nanawagan ang Simbahang Katolika na magagapi lamang ang culture of death sa buong mundo sa pamamagitan ng pagpapalaganap at pagsusulong ng bawat kristiyano sa pagpapahalaga sa kasagraduhan ng buhay na biyaya ng Panginoon.

Read:
UN member countries, pinasalamatan ng Obispo

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 28,954 total views

 28,954 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 43,610 total views

 43,610 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 53,725 total views

 53,725 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 63,302 total views

 63,302 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 83,291 total views

 83,291 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top