819 total views
Pinangangambahan ng labor groups ang pagtaas ng “underemployment rate” sa Pilipinas.
Naalarma ang Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) at SENTRO ng Progresibo at nagkakaisang Manggagawa (SENTRO) sa naitalang datos ng Philippine Statistic Authority na tumaas noong Abril sa 7.42-milyon ang underemployment rate kumpara sa sa 6.38-million noong Pebrero.
Iginiit ni Bernice Coronacion, deputy secretary general ng SENTRO na hindi pa ganap na nakabangon ang ekonomiya mula sa pagkaluging dulot ng pandemya.
“Clearly, we are still far from fully recovering from the economic crisis, in fact, the job creation is now more challenging because the government also needs to control inflation,” pahayag ni Coronocion sa Radio Veritas.
Inihayag naman ni Alan Tanjusay, spokesperson ng ALU-TUCP na mas makakabuti para sa mga manggagawa ang pagpapalawig ng gobyerno sa mga programa at inisyatibo na lilikha ng trabaho.
“Mataas din ang underemployment rate sa pagdami ng trabaho na nangangahulugan na may trabaho nga ngunit hindi sapat ang suweldo.Mas mainam sana ang pag unlad ng ekonomiya kung maraming may trabaho at sapat na sweldo ng mga manggagawa,”mensahe ni Tanjusay sa Radio Veritas.
Kinilala naman ng dalawang labor group ang bahagyang pagbaba ng unemployment rate sa bansa matapos maitala ng P-S-A ang 4.9% inflation rate noong nakalipas na buwan kumpara sa 4-percent noong Marso.
“Dumami ang manggagawang nagkatrabaho nitong nakaraang mga buwan dahil sa campaign at national at local elections activities maraming mga kumakandidato sa local at national elections ang kumuha ng mga manggagawa na tumutulong sa kanilang kandidatura kung kayat dumami ang nagkatrabaho ngayon,”pahayag ni Tanjusay
“The rise in employment is a welcome development,” ayon naman kay Coronacion.
Sa labour day message ng Church People Workers Solidarity, nanawagan ito sa mga botante na ihalal ang mga kandidatong tutulungan at isusulong ang kapakanan ng mga manggagawa sa Pilipinas.