209 total views
Magsasagawa ng prayer gathering ang Diocese of Marbel para sa kapayapaan at pagkakaisa sa bansa ngayong hapon.
Ayon kay Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez, makikiisa sa unity prayer gathering ang simbahan, gobyerno, civil societies, pulis, military at iba pang religious groups.
Sinabi pa ni Bishop Gutierrez na ang prayer gathering ay inilunsad ng kanilang butihing gobernador upang ipanalangin ang intensiyon hindi lamang ng kanilang lalawigan kundi lalo na ang bansang Pilipinas.
“We must have God in our plans kapag wala ang Panginoon wala rin tayong magagawa sayang lang ang mga efforts natin. We have to pray, mga indigenous people, Muslims, Catholics, Protestants.”pahayag ni Bishop Gutierrez sa panayam ng Radyo Veritas.
Mahalaga rin ayon kay Bishop Gutierrez na ipanalangin ang Pangulong Rodgrigo Duterte lalo na ang mga programa nito na salungat sa kalooban ng Diyos.
“For peace and unity because tingnan mo itong campaign ni presidente against illegal drug trafficking, kidnap for ransom, corruption, murder, extortion, rebellion, poverty. Walang nangyayari because nobody is praying anymore. Ayaw nilang maniwala sa Panginoon without faith that is Psalm 127:1,” giit pa ni Bishop Gutierrez sa Veritas Patrol.
Samantala, binanggit rin ni Bishop Gutierrez na magkakaisa sa pananalangin ang nasa halos sampung libong Muslim, Katoliko at Protestante sa kanilang diyosesis.
Nauna na ring pinangunahan ng kanyang Kabanalan Francisco ang 30th World Day of Prayer for Peace sa Assisi, Italy noong Setyembre ng nakaraang taon upang ipanawagan ang kapayapaan.