77,598 total views
Accessible health care sa mga Pilipino…. Ito ang natatanging hangarin ng UHC law na ipinatupad limang taon na ang nakalipas.
Ipinapangako ng UHC law ang accessible at abot kayang serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino sa alinmang panig ng Pilipinas.
Kapanalig, natatamasa mo ba ang benepisyong dulot ng UHC law? Nabuo ang UHC law mula sa Universal Health Coverage model na isinusulong ng World Health Organization, World Bank at Asian Development Bank para isulong ang health financing at alisin ang mga balakid sa magulong health system ng bansa.
Nakapaloob sa Chapter 1 Section 2B ng Universal Health Care Act “A health care model that provides all Filipinos access to a comprehensive set of quality and cost-effective, promotive, preventive, curative, rehabilitative and palliative health services without causing financial hardship,, and prioritizes the needs of the population who cannot afford such services”… Pero sa halip, dahil sa UHC law ay lalong naging “inaccessible at hindi abot-kaya” ang serbisyong pangkalusugan sa mga ordinaryong Pilipino dahil commercialization ng health services.
Binigyan prayoridad ng UHC law ang social health insurance system sa pagbibigay ng kapangyarihan sa Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH)…Taong 2019, tumanggap ang PHILHEALTH ng 76.4-bilyong pisong allotment mula sa national budget; tumaas ito sa 100.2-bilyong piso noong 2023 at humingi ang ahensiya ng 101.2-bilyong pisong budget ngayong 2024 na hindi naaprubahan matapos umalma ang mga miyembro…
Kung hindi mo natamasa ang abot-kayang health services, saan ginamit ang napakalaking budget allocations… Mula sa 2.75-percent premium rate noong 2019, inaprubahan ng UHC law ang pagtaas ng premium rate sa 5-percent para sa taong 2024 at 2025. Nagresulta ito sa pagtaas ng premium mula 275-pesos minimum at 1,375-pesos maximum noong 2019 sa 500-pesos manimum at 5,000-pesos maximum ngayong 2024.
Nabatid sa datos ng IBON Foundation na umabot sa 77.1-bilyong piso ang naging direct contribution o premiums na ibinayad ng mga empleyadong Pilipino mula sa kanilang bulsa noong 2019…Noong 2023, 146.1-bilyong piso ang nabutas sa bulsa ng mga Pilipino sa kanilang contributions sa PHILHEALTH.
Sa kabila ng nakakalulang halaga na ikinaltas sa sahod ng mga manggagawa, lumabas sa latest na Philippine National Health Accounts na ang households out-of-pocket (OOP) expenses ang pinagmumulan ng “current health expenditures” sa bansa. Ang kabuuang CHE ng national government,DOH, LGU at PhilHealth ay 41.9-percent kung saan 13.6-percent lamang dito ang kontribusyon ng PhilHealth.
Sa larangan ng health care reform, iginigiit sa Catholic Social Teachings ang principles of human dignity, common good, solidarity at subsidiarity.
Binigyan diin pa ni Pope Francis sa kanyang encyclical na “Evangelli Gaudium” ang apat na catholic social doctrine principles bilang ethical and religious directives for catholic health care services.
Sumainyo ang Katotohanan.