250 total views
Ang mabilis na urbanisasyon sa ating bansa at sa Asya ay hindi lamang modernisasyon ang dala. May dala rin itong shadows o dilim: ang maaring maging pag-aagawan sa limitado at lumiliit pang mga resources o yaman. Isa sa mga resources na ito ay tubig.
Isipin mo na lang kapanalig kung ilan ang populasyon ng ating mga syudad, gaya ng Metro Manila. Base sa 2015 census ng Philippine Statistics Authority (PSA), umaabot na ng halos 13 million ang populasyon ng National Capital Region, kung saan may labinlimang syudad at isang munisipalidad. Ang lumalaking populasyon na ito ay naghahati sa suplay ng tubig at kadalasan, mas mataas ang demand kaysa sa suplay lalo na sa mga informal communities kung saan mas mahal ang bayad ng maralita sa kakarampot na tubig.
Per container at per drum kadalasan ang singil sa mga mamamayan. Kada container, maaring limang piso ang singil, minsan sampu. Ang drum naman ay maaring maabot ng P50 o higit pa.
Sa mahal ng tubig, marami ng mga mamamayan ang gumagamit na ng ilegal na paraan, gaya ng pagbubutas ng mga main pipes ng mga water concenssionaires upang makakuha ng tubig hindi lamang para sa personal na gamit, kundi para maibenta na rin.
Ang tila shortage o kakulangan sa tubig ay maaring mangyari at maaring lalong lumaki kapag dumating na ang panahon na lalo pang tumaas ang populasyon sa mga lugar gaya ng Metro Manila na mabilis ang pace o bilis ng urbanisasyon. Noong nagkaroon ng El Nino noong mga nakaraang taon, hindi lamang ang Pilipinas at ang mga syudad nito ang nakaranas ng tagtuyot. Ang Southeast at South Asia ay nakaranas din ng mababang lebel ng tubig sa mga dams.
Ayon sa mga eksperto, complex at malawakan ang mga water supply systems sa maraming mga syudad sa Asya, kaya lamang kaunti lamang sa kanila ang may maayong alternatibo kapag biglang nagkaroon ng disrupsyon sa suplay. Noong 2010 hanggang 2015, mga 130 megacities ang naapektuhan ng malawakang tagtuyot. At ang laging alternatibo ay ang pag-iipon ng tubig at cloud seeding.
Mahirap lutasin ang suliranin na ito ngunit mainam na ang solusyon ay hindi lamang limitado sa crisis management. Maging pro active din sana dapat tayo. Halimbawa, dapat ay ingrained o nasa saloobin na natin ang water conservation habang naghahanap tayo ng mainam na alternatibong water source.
Ang pagsisiguro na sustainable ang ating mga syudad at ligtas sa mga isyu gaya ng urban drought ay kongkretong halimbawa ng maayos na pamamalakaya ng kalikasan at pagmahahal sa kapwa. Ito ay mga mahahalagang prinsipyo na nasasaloob ng panlipunang turo ng Simbahan. Ayon nga sa Justice in the World: Although in general it is difficult to draw a line between what is needed for right use and what is demanded by prophetic witness, we must certainly keep firmly to this principle: our faith demands of us a certain sparingness in use.