314 total views
Kapanalig, ang Metro Manila ay matao, masikip, matraffic. Ito ay magulo at maingay. Wala ng pinipiling oras ang pagiging abala ng mega-city na ito. Ngunit kahit pa marami na nag nagrereklamo ditto, hindi maitatatwa na marami ang nagmamahal sa Metro Manila. Para sa marami, ito ay simbolo pa rin ng pag-asa.
Hindi dapat mamatay ang simbolo ng pag-asa na ito. Habang umuusbong ang marami pang mga syudad ng bayan, marapat lamang na patuloy pa rin ang pag-alaga sa Metro Manila. Dapat itong manatiling buhay at masigla.
Base sa Census noong 2015, umaabot na mahigit pa sa 12,877,253 ang mga taong nananahan sa labing anim na highly urbanized cities na bumubuo ng Metro Manila. Mas mataas pa ito ng mahigit isang milyon mula sa datos noon 2010, at ng 2.94 million noong 2000. Ang populasyon, kapanalig, sa Metro Manila ay tumataas ng 1.58% kada taon.
Kapanalig, ang mataas na populasyon ay hindi bago sa mga highly urbanized cities. Ito ay isang phenomenon na hidni dapat inirereklamo lang, kundi nilalapatan ng solusyon. Dahil nga nadito ang trabaho sa mga highly urbanized cities, natural na maraming kababayan ang magdedesisyon na dito manahan.
Kailangan lamang kapanalig, ay maayos na urban planning. Hindi ba’t ninanais natin na maging katuald ng Singapore kalaunan? Kapanalig, kung nais natin maging tulad nito, suriin natin kung paano nila inaayos ang kanilang bayan.
Para sa mga liders nito, mahalaga ang urban planning. May long-term plan ang bayan na ito na naglalatag ng malawakang plano para maging sustainable ang bayan. Ang long-term plan na ito ay sinusundan ng mga strategic master plans na nagbibigay buhay sa mga “vision” ng long-term plan ng bayan: ang maging garden city-state ang Singapore. Lahat ng plano, mapa-long term so short term man, ay naglalayon na ibalanse ang pangangailangan ng economic growth at quality living environment.
Kapanalig, ang yaman ay walang halaga kung hindi maayos ang kalidad ng kapaligiran. Marahil narinig niyo ang “Broken Window” theory. Ang teorya na ito ay nagsasabi na kapag magulo ang kapaligiran, mas mataas ang antas ng kriminilad. Ngayong bagong taon, kapanalig, baka maari nating tingnan kung paano natin maisasaayos ang Metro Manila. Marami sa atin ang mga nagde-declutter tuwing bagong taon. Maari rin gawin ito ng ating mga Mayor. Baka pag nalinis at napaganda natin ang ating mga syudad, mas magiging buhat at ramdam ang pag-asa. Mauumpisahan natin ito sa pamamagitan ng maayos na urban planning.
Ang Laudato Si ni Pope Francis ay may ginintuang aral na maaring makatulong sa atin: “Sabay na nabubulok ang human environment at natural environment. Hindi natin sapat na mahaharap ang pagkasira ng ating kapaligiran hanggat hindi natin tinitingnan ang kaayusan ng ating lipunan.”