427 total views
100 mahihirap na pamilya ang bibigyan ng ayuda ng bagong Arsobispo ng Maynila Archbishop Jose Cardinal Advincula at Caritas Manila.
Isasagawa ang gift giving ni Cardinal Advincula bago pangunahan ang pagdiriwang ng banal na misa sa Mary Comforter of the Afflicted Parish sa Maricaban, Pasay.
bukas ika-27 ng Hunyo ay bibisita si Cardinal Advincula sa nasabing komunidad sa Pasay City kung saan magkakaroon ng Motorcade at “Symbolic Gift Giving”.
Ito ang unang pgkakataon para kay Cardinal Advincula na bisitahin ang isang komunidad sa Arkidiyosesis bilang bahagi ng nakaugaliang tradisyon kung saan ang mga bagong Arsobispo ng Maynila ay bumibisita at nakikisalamuha sa mga mahihirap.
Gaganapin ang banal na misa ganap na alas diyes ng umaga kung saan dadalo ang alkalde ng Pasay City at iba pang mga opisyal ng lokal na pamahalaan at ng Simbahang katolika.
Makikiisa at makikibahagi din si Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Rev. Fr. Anton CT Pascual sa gaganaping pamamahagi ng food bag.
Magugunitang mula ng magsimula ang mga community lockdown sa bansa ay naging abala ang Caritas Manila sa
pamamahagi ng ayuda partikular na ng mga gift certificates kung saan isa ang Mary Comforter of the Afflicted Parish sa Mga benepisyaryo nito.
Nito lamang ika-24 ng Hunyo ay ganap nang itinalaga si Cardinal Advincula bilang ika-33 Arsobispo ng Maynila.
Huling isinagawa ang tradisyon ng pagbisita sa komunidad ng bagong Arsobispo ng Maynila noong taong 2011 kung saan ginanap ito sa Baseco Compound, Tondo Maynila ng noo’y bagong Arsobispo Luis Antonio Cardinal Tagle.