280 total views
Ang Misa ng Sambayanang Pilipino
Ang pagsasagawa ng banal na misa na may elemento ng ating kultura ay bahagi ng tinatawag nating “Inculturation,” kung saan maging ang ginagamit nating wika ay hindi na mga salitang Latin gaya ng sinauna. Sa nakaraang Philippine Conference on the New Evangelization nitong ika-28 hanggang ika-30 ng Hulyo, 2017. Naging bahagi ng programa ang pagsasagawa ng Misa ng Sambayanang Pilipino (MSP). Isang pamamaraan kung saan ang mga ritwal at mga salita na nasaksihqn natin sa misa ay pawang may pinag-ugatan sa ating kulturang Pilipino.
Isa sa mga unang nakaranas ng misang ito ay si Ms. Mary Grace Domagas, na isang Christian Living Teacher. Ayon kay Ms. Domagas, tila nakakabahagi ang mga nagsisimba sa kadahilanang ang mga rito na ginagamit ay Pilipinong Pilipino.
“Nararamdaman ko yung humble experience. Yung hospitality (makikita) sa MSP kasi very incultrated nga yung mass”, ayon kay Domagas, “Mararamdaman mo na Pinoy ka”, dagdag pa niya. Ibinahagi din ni Domagas kung paano nagustuhan ng kaniyang mga kasama ang nasabing misa.
Ang Misa ng Sambayanang Pilipino ay sinimulan ng yumaong Fr. Anscar Chupungco, OSB at ng ilang dalubhasa sa Maryhill School of Theology, isang paaralang pang-teolohiya na itinatag ng Congregation of the Immaculate Heart of Mary o CICM noong dekada 70. Gayunman, ang Misa ng Sambayanang Pilipino ay kadalasang kinukwestyon ng dahil ang rito na ito ay hindi umano aprubado ng Roma.
Ayon kay Fr. Roberto Luanzon, OP, SLL, isang dalubhasa sa liturhiya, ang pagsasakatuparan ng Misa ng Bayang Pilipino ay bahagi ng tinatawag nating inculturation. Bagaman ito ay hindi aprubado ng Roma, ito ay isinumite at inaprubahan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines noong 1976.
“As far as the mass is concerned, isa pa lang ang inculturated na napproved.” Sabi ni Fr. Roberto Luanzon, OP, “Once na na-approve yun ng CBCP, pwede naming i-celebrate yan basta ipapaalam sa Bishop,” giit ni Fr. Luanzon.
Liturgical Abuse o Inculturated?
Paano nga ba natin masasabi kung ang isang gawain ay liturgical abuse at ano ang pinagkaiba nito sa isang inculturated? “Pag abuse, ay ang paggamit ng mga bagay na hindi kasama sa element ng misa, gaya ng paggamit ng ibang mga tinatawag na species like puto, kutsinta imbis na lebadura,” ayon kay Fr. Luanzon. “Sa inculturation naman ay yung translation ng mga prayer, tsaka yung mga rituals o actions” dalawang bagay lang yan yung words or actions. Primarily pag nag-inculturations, words they used in the mass and actions, the signs and symbols. Pero yung mga essentials sa mass, like bread and wine, di na pwede tanggalin yan dahil defined na yan e,” dagdag pa niya.
Ang Misa ng Bayang Pilipino ay para lamang sa mga bibihirang mga okasyon at hindi iminumungkahi na gawin sa pangkaraniwang araw. Iminumungkahi rin na bago isagawa ang Misang ito, kinakailangan muna ng katesismo upang maintindihan ng mga tao na dadalo sa misa.