26,466 total views
Nasa Pilipinas ang Chief Chaplain ng US Coastguard para sa 5-day visit.
Ito ang kauna-unahang pagbisita sa bansa ng isang Chief Chaplain ng United States of America Coastguard.
Sinabi ni Philippine Coast Guard Chaplain Rev. Fr. Kim Margallo na layon ng 5-day visit ni US Coast Guard Chief Chaplain Captain Danile L. Monde na magbahagi ng mga kaalaman sa stress management, human factor analysis, violence prevention at pagpapatatag sa religious ministry sa mga uniformed at civilian personnel ng Philippine Coast Guard.
Tiwala si Fr.Margallo na ang pagbisita ni Rev.Fr.Captain Monde ay magbibigay inspirasyon sa mga pari na lalong pag-ibayuhin ang pagtugon sa spiritual needs ng mga kawani ng PCG upang magampanan ang tungkulin bantayang ang mga teritoryo ng bansa.
Noong ika-27 ng Nobyembre, nakipag-courtesy call si US Coastguard Chief Chaplain Captain Daniel L.Monde kay Philippine Coastguard Commandant Admiral Ronniel Gavan sa PCG headquarters sa Parola, Manila.
Ika-28 ng Nobyembre, pinangunahan ni Captain Monde ang banal na misa at Christian religious service sa PCG chapel gayundin ang pagsasagawa ng isang symposium.
Ika-29 ng Nobyembre ay binisita ni Captain Monde ang mga PCG trainee sa Bataan at pinangunahan ang symposium on critical response, mental health and stress reduction sa mga uniformed at civilian personnel ng Philippine Coastguard.
Sa paggunita ng Bonifacio day sa ika-30 ng Nobyembre ay pangungunahan ni USCG Chief Chaplain ang banal na misa sa St.Therese of the Child Jesus shrine sa Villamor airbase, Pasay City.
Sa a-uno ng Disyembre 2023, ay itu-tour ng PCG sa Manila bay ang delegado ni Capt.Monde bago ito bumalik sa U-S-A.