133 total views
Hinimok ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People si US President Donald Trump na kilalanin ang naiiaambag ng mga immigrant sa paglago ng ekonomiya ng Estados Unidos.
Umaasa si Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng kumisyon na makita nawa ng ika – 45 pangulo ng Amerika na ang mga migrante ay hindi nila katunggali o banta sa kanilang bansa kundi katuwang nila sa pagsusulong ng seguridad at kapayapaan.
“While we view with concern US President-elect Trump’s campaign pronouncements on immigrants we hope that he will be given the grace to see the larger picture and recognize and realize the huge contribution of immigrants to the progress and development of his country and that he will not see them all as threats but as partners in promoting security and peace,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.
Inihalimbawa ni Bishop Santos ang halos 15 milyong Overseas Filipino Workers o OFWs na nagsusulong ng kapayapaan, may pinag – uugatang malalim na pananampalataya at kultura bilang isang mabuting residente.
Ipinagmalaki rin ni Bishop Santos ang mabuting katangian ng mga Pilipino bilang mga mabuting residente sa mga bansa lalo kung sila ay tina – tratong mabuti at nirerespeto ang kanilang dignidad.
“Filipinos especially are peace loving and respectful and have traditions of deep faith and culture that make them good residents, workers and collaborators of their host countries especially when they are treated fairly and with respect and dignity,” giit pa ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.
Magugunitang naunang tinawag ni Trump na mga terorista at hayop ang mga Pilipino sa konteksto ng paghihigpit ng immigration policies ng Estados Unidos kung saan 11 milyon ang bilang ng mga immigrants na halos mula sa Asya.
Nabatid rin na matapos rin na si Trump ang nanalo, dumami ang mula sa Amerika ang nagnanais na kumuha ng immigration visa sa New Zealand at Canada.
Nauna na ring hinimok ng kanyang Kabanalan Francisco ang mga lider sa buong mundo na buksan ang kanilang mga bansa sa mga migranteng naghahanap ng opurtunidad sa kanilang buhay at pamilya.