373 total views
Magpapatupad ng Undas Break ang Pontifical and Royal University of Santo Tomas bilang pakikibahagi sa paggunita ng bansa ng All Saints Day at All Souls Day.
Nasasaad sa anunsyo ng UST Office of the Secretary-General ang pagpapatupad ng Undas Break ng unibersidad mula ika-31 ng Oktubre hanggang ikatlo ng Nobyembre, 2021.
Muli namang babalik sa regular na klase at office work ang mga mag-aaral at kawani ng UST sa ika-apat ng Nobyembre.
“In line with the commemoration of All Saints Day and All Souls Day, the University will observe the Undas Break from October 31, 2021 (Sunday) to November 3, 2021 (Wednesday). Regular classes and office work will resume on November 4, 2021 (Thursday).” Ang bahagi ng anunsyo ng UST Office of the Secretary-General.
Samantala, inaanyayahan naman ng pamunuan ng unibersidad ang buong Thomasian family na makibahagi sa ilang serye ng virtual Masses para sa mga yumaong kasapi ng Thomasian Community partikular na ngayong panahon ng pandemya.
Nakatakda ang nasabing virtual Masses in Suffrage for the Deceased Members of the Thomasian Community sa November 1, 2 at 8, 2021 tuwing ganap na alas-onse ng umaga.
“The Thomasian family is invited to join the virtual Masses in Suffrage for the Deceased Members of the Thomasian Community on November 1, 2 and 8, 2021, at 11:00am.” Paanyaya ng UST Office of the Secretary-General.
Bagamat pansamantalang isinara ang mga sementeryo sa buong bansa upang maiwasan ang nakaugalian ng pagdagsa ng mga mamamayan sa mga libingan tuwing Undas bilang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19 virus ay umaasa naman ang Simbahang Katolika na isasabuhay ng bawat mamamayan ang tunay na diwa ng Undas na paggunita sa mga namayapa sa pamamagitan ng pag-aalay ng panalangin para sa ikapapayapa ng mga kaluluwa lalo na sa mga nasa purgatoryo.