147 total views
Hindi lamang dapat ituon sa romantic atmosphere ang selebrasyon ng araw ng mga puso o valentines day.
Ipinaalala ni Father Kunegundo Garganta, Execuitive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Youth na mas magandang ipagdiwang ang valentines day kasama ang pamilya at mga kaibigan.
Inihayag ng pari na ang pagdiriwang ng valentines day ay dapat ituon sa atmosphere of peace and harmony.
“Unang-una, naha-highlight yung romantic atmosphere ng celebration na hindi sana naiiwan doon sa romanticism kundi to really celebrate what really true love is na responsible, capable of forgetting oneself to really look the good of the other person. Maganda lutang sa ganitong pagdiriwang yung celebration with the family. With the young people, i-celebrate yung love at the atmosphere of peace of harmony of order.” paalala ni Father Garganta
Nanawagan naman ang pari na tanggalin na ang komersiyalismo sa pagdiriwang ng valentines day sa halip ay ipagkaloob na regalo sa kapwa at mga mahal sa buhay ang ating pagkatao na may pagmamahal at pagmamalasakit.
Ipinaalala din ng pari na kung maisipan na naman ng pamahalaan na mamigay ng libreng condom ay maging responsable at matuto tayong ipaliwanag na mali ang kaugaliang ito.
“Kung merong kakayahang magsalita, magpaliwanag na mali ang kaugaliang ito ay huwag manahimik lang”.panawagan ng pari
Nauna, ipinaliwanag ni Pope Farncis sa may 10-libong engaged couple sa Vatican na ang isa sa mahalagang sangkap sa relasyon ng pamilya na magkaroon ng tapang na magdesisyon para sa pangmatagalang relasyon laban sa hamon ng throw away culture.