136 total views
Aktibo ngayon ang Archdiocese ng Cebu sa pagsasagawa ng mga programa na layon makatulong sa mga mahihirap at nangangailangan.
Ayon kay Rev. Fr. Alex Cola, Director ng Caritas Cebu, sila ay nagagalak sa mainit na pagtanggap at suporta ng mga cebuano sa kanilang inilunsad na Caritas kindness Station.
Pagbabahagi ni Fr. Cola, nakakagalak na masaksihan ang pagiging daan ng Simbahan sa pagbibigayan at pagpapamal;as ng kabutihang loob ng bawat isa lalo higit sa gitna ng pandemya.
“Ang ganda kasi nakikita ko na parang nag aalay kapwa din tayo, we encourage everyone to donate especially in the parish setting. We encouraged our Parishes to donate for our poor. What we did is we just facilitated sharing and generosity of the community.” pahayag ni Fr. Cola sa panayam ng Caritas Philippines.
Gayunpaman naniniwala si Fr. Cola na bukod sa pagbibigay o pagtanggap ng ayuda ay kailangan din magbahagi ang Simbahan ng katesismo kasabay ng nasabing aktibidad.
Sa kanila aniyang Arkidiyosesis at mga Parokya na may kindness station ay nagbibigay din ng values formation sa mga tumatanggap ng pagtulong.
“Ang ginagawa po natin kasi sayang naman kasi bigay lang tayo ng bigay walang values formation so we injected formation mga 40 minutes everyday meron tayong 60 individuals na binibigyan natin, from 3 to 3:40pm papasok sila sa Caritas building for orientation and values formation” pahayag pa ng Director ng Caritas Cebu.
Umapela si Fr. Cola sa ibang mga parokya na magpatuloy sa ganitong programa lalo na’t marami pa din sa ating mga kababayan ang apektado ng pandemya ang kanilang pamumuhay.
“We encourage everyone to do our own deeds of kindness to our Parishes by establishing kindness Station Dahil totoo na walang siniman na nabubuhay para sa sarili lamang.”
Magugunitang bago pa man umusbong ang mga community pantry sa Metro Manila at mga lalawigan ay sinimulan na ng Simbahang Katolika ang paglulunsad ng Caritas kindness station kung saan nababahagian ng mga pangunahing pangangailangan ang mga mahihirap na pamilya na apektado ng pandemya.