712 total views
Ipinapakita ng pagdiriwang sa pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo na huwag ng ulitin pa ang pagkakamali ng nakaraan.
Ito ang mensahe ni Minor Basilica of the Black Nazarene Parochial Vicar Father Douglas Badong ngayong Holy Week sa pagbibigay-pugay ng Simbahan sa Krus kung saan nasawi ang Panginoong Hesukristo o ang liturhiyang pagdiriwang ng Veneration of the Cross.
“Nagpapaalala din ito ng mga aral na maiaaply natin sa kasalukuyang nangyayari. Nangyari noon, may paraan para maitama at wag na maulit ang mga pagkakamali. Katulad nang maling paghatol, kasinungalingan at pagtratraydor,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Pari sa Radio Veritas.
Ayon kay Father Badong, nawa’y laging maalala ng bawat mananampalataya na ang pagdiriwang ng Veneration of the Cross tuwing Biyernes Santo ay paalala ng walang hanggan at dakilang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.
“Ang venerarion of the cross ay nagpapaalala sa atin nang dakilang pag-ibig ng Diyos. Ang Krus ay simbolo ng pag ibig ng Diyos,” ayon pa sa Pari.
Batid din ni Father Badong ang kagalakan ng mga mananampalatayang pisikal na nagtungo sa Quiapo Church ngayong Holy Week dahil narin ito ang unang beses matapos ipagbawal ng dalawang taon ang pisikal na pagsisimba ng mga mananampalataya nang dahil narin sa banta ng COVID-19.
Paalala ng Pari sa bawat mananamapalatayang magtutungo sa Quiapo Church at iba pang simbahan ngayong Mahal na Araw ang patuloy at mahigpit na pagsunod sa mga ipinatutupad ng health protocols, ito ay upang hindi lamang mapangalagaan ang sarili kungdi upang mapangalagaan rin ang kalusugan ng mga lingkod ng simbahan.
“Matapos ang 2 taon… makikita at mararamdaman mo ang pananabik ng mga tao na makadalo sa mga gawain pang mahal na araw, Naway patuloy nating sundin ang mga safety protocols at disiplina habang ating ginagawa ang mga sakripisyo at penitensya natin ngayong mga mahal na araw,” pagbabahagi din ni Father Badong.