Prevention of Adolescent Pregnancy Act, ibi-veto ni Pangulong Marcos kapag nakalusot sa Kongreso
744 total views
744 total views Nagpahayag ng pagtutol si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ilang nilalaman ng Senate Bill No. 1979 o ang Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2023. Sa isang panayam sa sa Taguig City, sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na ang ilang bahagi ng panukalang batas ay hindi naaangkop o katanggap-tanggap at labis na nakakabahala.