3,413 total views
Hinirang bilang Diocesan Administrator ng Diyosesis ng Ipil, Zamboanga Sibugay si Msgr. Elizar Cielo, JCD.
Si Msgr. Cielo ang pansamantalang mangangasiwa sa mga gawain ng diyosesis habang nananatiling ‘sede vacante’ makaraang italaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Archbishop Julius Tonel bilang arsobispo ng Zamboanga.
Si Msgr. Cielo ang kasalukuyang vicar general ng Diocese of Ipil.
Kabilang sa mga gawain ng Diocesan Administrator ang pangunguna sa mga Banal na Misa, paggagawad ng sakramento, at iba pang tungkuling pinangungunahan ng obispo.
Gayundin ang pamamahala sa mga kawani ng chancery office, paggabay sa mga pagpapasyang ginagawa sa diyosesis; at ang tungkuling gabayan ang nasasakupang mananampalataya lalo na sa pananalangin sa proseso ng pagkakaroon ng bagong pinunong pastol.
Magugunita noong Abril 25 nang italaga ni Pope Francis ang noo’y obispo ng Ipil bilang ikapitong arsobispo ng Zamboanga kasunod ni Archbishop Romulo dela Cruz na namayapa noong 2021.
Opisyal namang iniluklok si Archbishop Tonel sa Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception Parish sa Zamboanga City noong Agosto 22.