1,825 total views
Umapela ang Federation of Free Workers (FFW) sa pamahalaan na tanggapin ang Afghan Refugees.
Inihayag FFW President Atty. Sonny Matula na karamihan sa mga refugee ay mga manggagawa na nababalewala ang karapatang pangtao dahil sa paniniil ng Taliban Forces.
Inaalala din ng F-F-W ang kapakanan ng mga kababaihang Afghan Refugee, Religious at Ethnic minorities na sinusubukang makaalis sa Afghanistan.
“As the situation unfolds, the FFW continues to extend its solidarity to Afghan workers who are facing challenges in their fight for equality of employment and occupation under ILO Convention 111.” ayon sa ipinadalang mensahe ni Atty.Matula sa Radio Veritas.
Umaasa si Matula na alalahanin ng mga opisyal sa pamahalaan ang kasaysayan ng Pilipinas na unang tumanggap ng mga refugee na Hudyo at Vietnamese.
Ito ang apela ni Matula matapos tutulan ni Vice-President Sara Duterte at iba pang opisyal ng pamahalaan ang panawagan ng Amerika na tanggapin ang 50-libong Afghan Refugees habang inaayos ng Estados Unidos ang kanilang mga VISA at iba pang mahahalagang papeles.
“We have a moral obligation to once again open our doors to those in need. We call upon the Philippine government to extend the same kindness to the Afghan refugees.” bahagi pa ng mensahe ni Matula.
Sa paggunita World Refugee Day noong nakalipas na taon, iginiit ni outgoing Balanga Bishop Ruperto Santos, vice-chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples na palawigin ang pagkalinga at pakikiisa sa mga refugee na kinailangang umalis ng kanilang bansa upang makatakas sa digmaan o iba pang uri ng sigalot .