182 total views
Katuparan sa dignidad ng isang indibidwal ang paggawa bilang pakikibahagi at pakikipagtulungan sa malikhaing paggawa ng Panginoon.
Dito nakabatay ang dignidad ng tao na nailathala sa Banal na Kasulatan sa Genesis tungkol sa pagpapahalaga sa dignidad at karapatan ng mga manggagawa.
Umaasa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magkaroon ng malawakang voluntary regularization sa mga kontraktuwal na manggagawa sa buong bansa simula ngayong Pebrero.
Ito ay bunsod ng napagkasunduan ng DOLE at ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na magpatupad ng voluntary regularization plan upang matugunan ang kontratuwalisasyon sa bansa.
Naniniwala si Labor Secretary Silvestre Bello III na maisakatuparan dito ang pangako ng pamahalaan na tapusin ang usapin ng kontraktuwalisasyon at mabigyang sapat na oportunidad ang mga manggagawa.
“We are confident that this agreement will set the stage for the massive regularization,” bahagi ng pahayag ni Bello.
Sa pagtaya ng ahensya nasa pagitan ng 30 hanggang 40 porsyento sa higit 3, 000 pre-identified na mga establisimiyentong na kasapi ng ECoP ang susunod sa kasunduan.
Kabilang sa nasabing kasunduan ang pag-regular ng mga employer sa manggagawang nasa ilalim ng illegal contracting arrangements.
Sa ensiklikal na Laborem Excersens ni St. John Paul II na dapat igalang ang karapatan ng bawat manggagawa sa iba’t ibang sektor at isaalang-alang sa pagpapalago ng ekonomiya, lipunan at mamamayan.
Nakatakda sa ika-8 ng Pebrero ang paglagda sa National Voluntary Regularization Plan kung saan inaasahang paunang 220, 000 manggagawa ang makikinabang.
Tiniyak din ng kalihim na bibigyan ng tatlong taon na moratoryo ang mga kompanya na makatutupad sa kasunduan kaya’t hindi ito bibisitahin ng mga Labor Law Compliance Officers upang mabigyang pagkakataon ang bawat establisimiyento.
“Yung mga Labor Law Compliance officers namin ay hindi muna dadalaw sa kanila except kung may complain,” dagdag pa ni Bello.