325 total views
Nagpapasalamat si Davao Archbishop Romulo Valles, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa pagtugon ng mga ‘volunteer’ sa isinagasawang ‘vaccination roll out’ ng mga simbahan sa Archdiocese ng Davao.
Ayon kay Arcbishop Valles, sa kasalukuyan ay may anim ng parokya ang bukas sa isinasagawang pagbabakuna laban sa Covid 19.
Kabilang sa mga parokyang ito ay ang Most Sacred Heart of Jesus Parish, St Joseph the Worker Parish, Sta. Ana Shrine Parish, San Alfonso de Liguori Parish, Our Lady of Lourdes Parish at San Antonio de Padua Parish.
“More are coming. We are happy that many medical professionals are responding to our call for volunteers,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Archbishop Valles.
ang arkidiyosesis ay binubuo ng may 39 na mga parokya na pinangangasiwaan ng 162 mga pari.
Ayon naman kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, handa rin silang tumulong sa pagbibigay ng bakuna sa pamamagitan ng mga parokya bilang mga vaccination centers.
“We also offered our parishes as vaccination centers, in case they might need it. But for now, they are using the covered courts,” ayon naman kay Archbishop Jumoad.
Sa kasalukuyan ay pansamantalang nahinto ang pagbabakuna sa Ozamis dulot na rin ng kakulangan ng suplay ng covid-19 vaccine.
Patuloy din ang panawagan ng Caritas Philippines sa mga diyosessis sa buong bansa na buksan ang mga parokya bilang mga vaccination center at covid-19 facility upang makatulong sa pamahalaan sa paglaban sa nakahahawang virus.