Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

VP Leni Robredo: One-on-One sa Veritasan Part 2

SHARE THE TRUTH

 23,858 total views

DRUG REHAB HINDI PAGPATAY
Ang simbahan ang magbibigay ng guidance sa community na eto yung mga mabubuting gawin. In fact, marami kaming mga engagement with the church halimbawa kabahagi kami ng koalisyon ng mga organisasyon na nagsusulong ng community rehabilitation ng mga drug addicts, ‘yun tamang paraan para i-convert hindi ‘yung pagpatay. Kabahagi kami ng grupong yun. May mga social action centers na mga partner namin sa Angat Buhay, sila yung tumutulong sa amin mag-identify ng mga taong dapat tulungan or gumagawa ng ground work for us. Kasi talagang simbahan lang ‘yung may ganung capacity. Yung simbahan ang andun sa pinaka-sulok ng ating bansa. At yung simbahan din ang yung dinudulugan ng mga tao sa oras ng kagipitan whether sa sakuna yan, problema sa kabuhayan, walang kinakain. Yung tao ang tendency ang simbahan ang unang pupuntahan.

SIMBAHAN AT PAMAHALAAN
So sa akin, napakahalaga yung role ng simbahan at napakahalaga sa Gobyerno sana to partner with the Church. Kapag ang pamahalaan partner yung simbahan nasa tama sanang landas ang patutunguhan. Dapat sana tinitingnan ng pamahalaan ang pinakamaigeng partnership na kaya nyang gawin with the church. Kasi yung paghuhubog ng Filipino as better citizen magagawa nya ‘yun with the help of the church. Kaya sa akin sana hindi dapat tinitingnan na kalaban ang simbahan. Sana tinitingnan na partner kasi kapag nag-join forces ang pamahalaan at simbahan marami ang magandang pwedeng gawin.

KOMUNIKASYON SA PANGULO
Wala na akong access. Nung nasa cabinet meron. Nung nasa cabinet ako pinaparating ko sa kaniya ang mga problema. Pero pinaparating namin ang mga problema sa mga agencies. Maraming mga agencies na sinusulatan namin ng mga problemang nakikita namin, mga problema on the ground. Unfortunately may mga agencies na hindi responsive. Ang experience mas mabuti yung mga regional offices, ang local offices ng mga agencies siguro sila yung first line na nakakausap ng mga tao mas yung sense of urgency mas grabe.

CORRUPTION at PAGLIPAT NG MGA TAONG MAY ISYU
Ang nawawala sa atin because of corruption grabe. Ako in all honesty I was very hopeful nung pag-upo ng Pangulong Duterte kasi isa ito sa ipinaglalaban nya at nakita ko naman yung political will nandiyan. Pero para sa akin hindi napanindigan ang laban sa korupsyon. Kasi maraming korupsyon na lumalabas ngayon, wala namang napaparusahan napo-promote pa yung gumagawa. Hindi lang ito sa CUSTOMS pero marami ng iba na na-find out na involve sa corruption hindi naman napaparusahan. So ano ang mensahe na ibinigay natin sa mga kawani ng gobyerno na ‘okay lang kumurakot’ basta kakampi mo ang pamahalaan. Ang pinakamalaking ‘deterrent’ ng corruption kapag pinarusahan. Pero walang ganun ,walang aksyon. Kapag ganito erosion ng trust ng tao sa pamahalaan grabe. Kapag walang tiwala ang tao sa pamahalaan hindi mo maasahan na magiging cooperative sila.

PAGTAAS NG PRESYO NG BIGAS
Tingin ko kaya tayo naging ganito kaya lumalala ng ganito ang inflation dahil sa kapabayaan ng pamahalaan. Maraming external na factors, halimbawa ang mataas na presyo ng langis worldwide. Pero dapat sana na-arrest natin yung epekto nito kung maaga tayong umaksyon. Halimbawa yung pagtaas ng presyo bigas kasalanan natin yun, hindi yun kasalanan sa labas. Kung kataasan ng presyo ng bigas kasalan ng NFA, to a certain extent kasalanan ng DA. At kasalanan din siguro ng pamahalaan in general. Sinasabi ko na umaksyon, umaksyon.Parang masyado naging kampante na lilipas din ito. Last year pa ito nagsimula, yung signs nandyan late last year, lumala nung summer pero parang ang bagal ng aksyon. Inefficient dito ang gobyerno. Halimbawa, hinayaan ang away sa loob ng NFA pati sa DA. Yung disagreement sa policy got in the way of government acting swiftly. Yung pinag-awayan nila before whether to import or not. Dapat sana noon nag-step na kaagad si Pangulo nagsabi na siya na ‘ito ang gusto kong mangyari’ para naaksyunan na. Nagdecide na mag-import pa din too late. Darating ang imported na bigas ng Nobyembre kung kailan panahon ng ani. Kung inasikaso na ito before hindi na dapat lumala.

INFLATION
Halimbawa, sa Bicol tayo ang number 1, ang epekto ng inflation sa atin inflation 10.1 percent. Napakataas nya sa national average kasi ang national average less than 7 percent. Parang napaka-insensitive natin sa epekto nito sa ordinaryong mamamayan. Sa atin, nagrereklamo tayo pero makakain pa tayo. Pero may mga taong hindi ganun. May mga taong hindi nakakareklamo pero hindi na rin nakakakain.

HUMAN RIGHTS
Parang tini-twist kasi masyado kung ano gustong sabihin sa karapatang pantao. Sa atin, parang yung pamahalaan, parang dinepict nya yung human rights as something na istorbo sa ginagawa ng gobyerno. Hindi yun ganun, kasi ang human rights kaya tayo nakakain araw-araw, nakakapasok sa paaralan, yung respeto sa kababaihan, yung karapatan na makatanggap ng magandang serbisyo sa kalusugan lahat ‘yun bahagi ng human rights. At hindi gustong sabihin na paghiningi mo na irespeto ang karapatang pantao ay hinaharangan mo yung pamahalaan. Dapat ang pagtingin dito ng pamahalaan na sa lahat ng ginagawa nya sinisuguro nya na napapangalagaan yung karapatang pantao. Ang human rights universal ito. Nakadikit ito sa ‘yo hindi ito something na pwedeng tanggalin. Inherent ito, at obligasyon ng pamahalaan na protektahan ito. Obligasyon naming na in everything that we do ‘yun yung pinaka-primary sa lahat na sinisiguro na nirerespeto yung karapatang pantao ng bawat mamamayan.

PAGTINGIN NG PANGULO SA MGA BABAE
Wala naman ako sa posisyon na maggawa ng sweeping na observation. Nung nasa kabinete ako talagang mahilig siyang magbiro. In all fairness to the president naging very civil sya sa akin even after wala na ako sa cabinet. Ako ang tingin ko, alam nya na wala naman akong hangarin. Ako tingin ko genuinely alam nya ‘yun. Siguro nadadala lang sa sinasabi ng ibang nasa paligid kaya maraming paniniwala na hindi rin tama. Halimbawa, yung dahilan ‘yung pagtanggal sa akin sa kabinete inakusahan ako na sumama ako sa iasng rally sa Edsa na hindi ko naman ginawa. Yun kasi dangerous na precedent na umaaksyon ka sa isang bagay based on wrong information. Sa akin nakakabahala ito kung namumuno ka, pinamumunuan mo yung bayan tapos may nagsasabi sa ‘yo ng mga information na hindi totoo. Kaya ito rin ang danger ng Tokhang-tokhang di ba. Pag kinikikitil mo ang buhay ng tao based on wrong information, kahit pa nga tama ang information hindi pa rin tama. Pero sana may recognition na obligasyon na hindi ka aaksyon hanggang walang katotohanan. Yung katotohanan parang walang espasyo sa trabaho namin na magkamali.

RECOUNT
Sana soon. Yung pinakahuling desisyon ng Supreme Court na pinanigan yung aming motion ang laking bagay noon. We are still leading, walang dapat ikabahala kaya dapat matapos na para walang platform for fake news. Mensahe sa publiko (bold letters) Huwag nating iasa lahat sa pamahalaan, kung ano ang magagawa natin, walang maliit walang sayang na effort. Yung lahat ng magagawa natin para kababayan natin na nangangailangan. Kapag pinagsama-sama ito napakalaking bagay na. yung kahirapan damang-damang, I’m sure yung simbahan dahil sila ang nasa baba yung every little bit of help napakalahalaga. Magpull tayo ng resources together, yung energies together para makatulong. Pag ginawa natin ito as one community ‘yung multiplier effect nito malaki.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 14,645 total views

 14,645 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 29,301 total views

 29,301 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 39,416 total views

 39,416 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 48,993 total views

 48,993 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 68,982 total views

 68,982 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas Team

Pamahalaan at simbahan sa Pilipinas, nakikiramay sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II

 105,149 total views

 105,149 total views Nakikiisa ang sambayanang Filipino sa pagpanaw ng Reyna ng Britanya na si Queen Elizabeth II sa edad na 96. Ayon kay President Ferdinand Marcos Jr., kilala si Queen Elizabeth sa debosyon ng paglilingkod sa kanyang nasasakupan. “It is with profound sadness that we receive the news of the passing of Her Majesty Queen

Read More »
Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 65,316 total views

 65,316 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa pagtatapos ng halalan. Ayon sa Obispo, bilang halal na opisyal at pinili ng mas nakakaraming Filipino, kinakailangang maisakatuparan ng bagong pangulo ang pangakong ‘pagkakaisa’ ng buong bansa. “To

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 64,400 total views

 64,400 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan sa isinagawang Veritas Truth Survey ang 2,400 respondents sa kanilang perception kung sino sa mga presidential hopeful ang sumusunod sa Catholic values at beliefs. Lumabas sa nationwide V-T-S na nakuha

Read More »
Latest News
Veritas Team

Manindigan laban sa Anti-Terror Act of 2020, panawagan ng mamamayan sa taongbayan

 24,592 total views

 24,592 total views July 5, 2020, 10:43AM Umaasa ang chairperson ng Church People-Workers’ Solidarity (CWS)  at CBCP NASSA/Caritas Philippines Vice Chairman San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na maamyendahan at maipawalang bisa ang pagpapasa ng kontrobersyal na Anti-Terror Act of 2020 kung patuloy na mananawagan ang mamamayan sa pamahalaan. Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte

Read More »
Latest News
Veritas Team

Guilty verdict sa opisyal ng Rappler, itinuturing na isang persecution

 24,582 total views

 24,582 total views June 16, 2020, 12:47PM Naniniwala ang mataas na opisyal ng simbahan na sinadyang patahimikin at idiin sa kasong cyberlibel si Rappler CEO Maria Ressa. Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, makikita ang pagsisikap na idiin sa kaso si Ressa at ang kanyang researcher na si Reynaldo Santos Jr. sa

Read More »
Latest News
Veritas Team

Tutukan ang COVID-19 pandemic at Marawi rehab sa halip na Anti-Terrorism bill-AMRSP

 24,583 total views

 24,583 total views June 4, 2020, 11:35AM Manila,Philippines — Nagpahayag ng pangamba ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines o AMRSP sa pagpapasa ng mababang kapulungan ng Kongreso sa Anti-Terrorism Bill na mag-aamyenda ‘Human Security Act of 2007′ na sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa pahayag na inilabas ng grupo, nangangamba ito sa

Read More »
Latest News
Veritas Team

Pabuya sa pagtuklas ng gamot: ‘Fabunan, vaccine,’ subukan muna

 24,679 total views

 24,679 total views Muling nanawagan si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani sa pamahalaan na subukan ang Fabunan Antiviral Injection na pinaniniwalaang nakagagamot sa coronavirus disease. Ito ay matapos maglabas ng pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang magbigay ng P10M para sa makadidiskubre ng gamot laban sa COVID-19. “Si President Duterte nag-aalok ng P10M para

Read More »
Latest News
Veritas Team

Kasong sedition laban sa mga matataas na opisyal ng CBCP, ibinasura ng DOJ

 24,477 total views

 24,477 total views Ibinasura ng Department of Justice ang kasong “conspiracy to commit sedition, inciting to sedition, cyber libel, libel, estafa, at obstruction of justice” laban sa tatlong Obispo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, mga pari at Vice President Leni Robrero. Kinumpirma ni Justice Undersecretary Markk Perete ang D-O-J panel resolution na nagpapawalang sala

Read More »
Latest News
Veritas Team

Divorce: Hindi lang usapin ng kababaihan, kundi ng buong pamilya

 24,479 total views

 24,479 total views Naniniwala ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi dapat madaliin ang pagpasa ng divorce bill. Lalu na’t mas maraming mga suliranin ang Pilipinas na higit na dapat bigyang tuon. Ito ang pahayag ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs kaugnay sa minadaling pag-apruba

Read More »
Politics
Veritas Team

Radio Veritas, Grace Poe, no.1 sa Veritas Truth Survey

 23,887 total views

 23,887 total views Nangunguna sa Veritas Truth Survey si Senatorial candidate Grace Poe. Pumasok naman sa magic 12 ng Veritas Truth Survey sina: Isinagawa ang survey sa mga Katolikong botante mula sa iba’t-ibang parokya ng 86 Arkidiyosesis at Diyosesis ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.  

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 23,850 total views

 23,850 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang mga nagawa nito sa bansa bago bantaan ang kaniyang mga kritiko. Ayon sa Obispo, kung nagbibiro na naman ang Pangulo ay hindi na dapat ito pansinin subalit kung seryoso si

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 23,861 total views

 23,861 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop Bagaforo na hindi kailangan ang ML dahil sa top priority ng Administrasyong Duterte ay magkaroon ng peace and order sa bansa. Binigyan diin ng Obispo na napapanahon ng bumalik sa

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 23,864 total views

 23,864 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug War campaign. Ito ayon kay dating Solicitor General Atty. Florin Hilbay sa katatapos lamang na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa pagbubukas ng 17th Congress. “Hindi naman

Read More »
Politics
Veritas Team

CBCP, Tutol sa pag-aarmas ng mga Pari

 23,904 total views

 23,904 total views Naninindigan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP laban sa pag-aarmas ng mga Pari. Sa kabila ito nang magkasunod na pamamaril at pagpaslang sa Pari. Mariing tinututulan ni CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles na bigyan ng armas ang mga Pari para sa kanilang kaligtasan. Iginiit ni Archbishop Valles na bilang

Read More »
Politics
Veritas Team

Matino, Maasahan at Mahusay

 985 total views

 985 total views Ito ang panuntunang ilalabas ng Department of the Interior and Local Government o DILG para maging batayan ng mga mamamayan sa pagpili ng mamumuno sa mga barangay at Sangguniang Kabataan. Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, ito ang unang pagkakataon na maglalabas ng mungkahi ang ahensya para tulungan ang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top