569 total views
Ang pagbaba ng unemployment rate ay hindi nangangahulugan sa pagbuti ng kalagayan ng mga manggagawa.
Ito ang binigyan diin ni Leody De Guzman, chairperson ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) dahil sa pag-uulat ng pagtaas sa bilang ng mga manggagawang underemployed at contractualization policy sa bansa.
“Ang good sign para sa manggagawa ay ipatigil ang kontraktwalisasyon, buwagin ang mga manpower agency, itaas ang sahod ng mga manggagawa at magkaroon ng price control sa mga basic goods na kailangan ng mga manggagagawa sa araw araw,”paglilinaw ni De Guzman sa Radio Veritas.
Ikinabahala ni de Guzman ang ulat na halos kalahating milyong manggagawa ang nawalan nan g interes magtrabaho.
Binatikos din ni de Guzman ang mababang pasahod at laganap na contractualization sa mga manggagawa.
“Ikalawa: Nakapag-aalala ang halos kalahating milyong bilang ng mga manggagawa na nawalan na ng interes na maghanap pa ng trabaho kaya inalis na sa bilang ng unemployment.
Ikatlo: Tumaas ang bilang ng mga manggagawang underemployed at ika-Apat: kahit may nadagdag nantrabaho, anong klaseng trabaho na dapat ipagsaya ng mga manggagawa, KONTRAKTWAL na trabaho? Mababa ang sahod at anu mang oras ay pwede kang tanggalin,”pahayag ni de Guzman
Batay sa pinakabagong datos ng Philippine Statistics Authority, umabot sa 2.50-million ang unemployment rate noong September 2022 kumpara sa 2.68-million noong August 2022.
Mula naman sa 7.03-million underemployment rate noong Agosto ay tumaas ang bilang sa 7.33-million noong Setyembre.
Patuloy naman panawagan ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern sa pamahalaan na taasan ang minimum wage at tuluyang pagbuwag sa kontrakwalisasyon.