211 total views
Isang wake-up call at malaking hamon sa Simbahang Katolika ang mas maraming bilang ng mga Katoliko na pabor sa pagsasabatas ng Divorce sa Pilipinas na tanging bansa bukod sa Vatican na walang divorce law.
Ito ang naging pagninilay ni Father Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas sa naging resulta ng Veritas Truth Survey na isinagawa ng Radio Veritas Research Department.
Lumabas sa Veritas Truth Survey sa 1,200 respondent mula sa urban at rural areas nationwide na 39-porsiyento ng mga Filipino ang pabor sa legalization ng divorce o diborsyo habang 35-percent naman ang hindi sumang-ayon sa legalisasyon nito.
Batay sa Veritas Truth Survey, 43-porsiyento ng female respondents ang gusto na maging legal ang diborsyo at 35 naman ang tutol habang 35-percent ng mga lalaki ang hindi pabor sa divorce at 34-percent naman ang sang-ayon.
Katig naman sa divorce ang 43-percent ng mga adolescent na may edad 13-20, 34-porsiyento ng young adults na may edad 21-39 taong gulang, 38-percent ng adults na may edad 40-60 at 19-porsiyento ng elderly na nasa edad 61-taong gulang.
Sa antas ng pamumuhay mas maraming may kaya sa buhay ang pabor sa legalization ng divorce sa Pilipinas;
class A-46 percent;62-percent ang class B;55-percent ang class C2; 48-percent ang class C1,40-percent ang
class D habang 31-percent lamang sa class E.
Kaugnay nito, inihayag ni Father Pascual ang hamon sa simbahayan ng pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas
ay tunay.
Ayon sa Pari, kulang at mas mainam na ipahayag ng Simbahan ang kagandahan ng buhay pag-aasawa na siyang kaloob ng Diyos sa sanlibutan.
Iginiit ni Father Pascual na ang kagandagan ng buhay pag-aasawa ay upang maranasan ang pag-ibig ng Diyos sa pagmamahalan, katapatan ng mag-asawa habang buhay at ang bunga ng pagmamahalan ay ang mga anak.
Ipinaalala ng pari na ang pag-aasawa ay gawa ng Diyos ayon sa Hebreo 13,4 na dapat galangin at payabungin.
Binigyan diin ni Father Pascual na ang diborsyo ay magpapahina ng tipan ng mag-asawa dahil binibigyan ng kaluwagan imbes na gumawa ng paraan na maayos ang pagsasama.
Nilinaw ng Pari na ang diborsyo din ang magbibigay ng lakas ng loob sa mag-asawa na magpasyang maghiwalay agad ng padalus-dalos at hindi pinapahalagahan ang mga anak na siyang pangunahing apektado.
Isinagawa ang survey noong December 2017 hanggang January 2018.
Sa isang position paper ni Father Jerome Secillano, MPA, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Permanent Committee on Public Affairs sa pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa divorce bill, iginiit ng Pari na ang divorce ay anti-family at scourge of society.
Binigyan diin ni Father Secillano na ang divorce law ay magsusulong lamang ng culture of promiscuity,infidelity,disintegration ng mag-asawa at pamilya mas higit na magpapahina sa ating kultura at pagkawala ng moral fiber ng society.
Kaugnay nito, naninindigan din ang Metropolitan Tribunal ng Archdiocese of Manila na ang pangunahing layunin ng marriage ay para sa kabutihan ng mag-asawa, procreation at edukasyon ng mga anak.
Attached here with Veritas Truth Survey:
Radio Veritas Global Broadcasting System, Inc.
Veritas Tower 162 West Avenue cor. EDSA, Quezon City
Telephone Number (632) 925-7932 to 39 local 132
www.veritas846.ph
SURVEY ON THE PUBLIC AGREEABILITY TOWARDS DIVORCE
In a recently conducted Veritas Truth Survey (VTS), among 1,200 respondents from urban and rural areas nationwide, 39% of those surveyed said that they “strongly agree” on the legalization of Divorce in the Philippines while 13% said that they “somewhat agree”, another 13% said they “somewhat disagree”, and only 35% said that they “strongly disagree” on the legalization of Divorce in the country. With a +/- 3% margin of error,
those who said that they “strongly agree” on the legalization of Divorce have a slight statistical
edge over those who “strongly disagree”.
When stratified by Gender, Female Respondents favor more the legalization of Divorce with
43% saying they “strongly agree” versus 35% saying that they “strongly disagree”. While their male counterpart
at 34% said that they “strongly agree” while 35% said that they strongly disagree. And though among
the male respondents we see that those who “strongly disagree” is 1% higher than those whose “strongly agree”,
the +/- 3% margin of error makes the results a statistical tie within this gender group.
As to Age grouping, those who “strongly agree” on the legalization of the divorce seems to appeal more towards the younger age group with the following results: Adolescence (13-20 years old) at 43%; Young Adults (21-39 years old) at 34%, Adults (40-60 years old) at 38%; and elderly (61 years old and above) at 19%.
Finally, when analyzed by Economic Grouping respondents within a higher economic class seems to be more favorable (“strongly agree”) to the legalization of Divorce in the Philippines whose breakdown is as follows:
Class E at 31%; Class D at 40%, Class C1 at 48%, Class C2 at 55%, Class B at 62% and Class A at 46%.
This Veritas Truth Surveyed (VTS) was conducted by the Research Department of Radio Veritas 846;
the number one faith-based AM radio in the Philippines. Radio Veritas is owned and operated by
the Archdiocese of Manila, established in 1969. As a Ramon Magsaysay recipient Radio Veritas continues to be the leading social communications ministry for` truth and evangelization in the country today.