Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Wala tayong magagawa?

SHARE THE TRUTH

 486 total views

Mga Kapanalig, kung gaano katapang ang ating Pangulo sa paninira sa mga kandidato ng oposisyon sa darating na halalan at maging sa mga alagad ng Simbahang Katolika, ganoon naman kalambot ang kanyang administrasyon sa agresibong pagpasok ng China sa mga isla at karagatang nakapailalim sa ating pamamahala.

Wala tayong narinig na anumang maaanghang na salita mula sa pangulo tungkol sa lantarang pagwasak ng mga barkong mula China sa coral o bahura sa Scarborough Shoal. Reklamo ng mga mangingsida, ilang taon nang naghuhukay doon ang mga Tsinong mangingisda ng taklobo o giant clam, at nakaaapekto ito sa kanilang huli. Ngunit hindi makaimik ang mga pobreng mangigisda natin dahil kasama ng mga Tsinong mangingisda ang coast guard ng kanilang bansa. Kaawa-awa naman na talaga tayo.

Maghahain daw ng legal action ang Department of Foreign Affairs, habang maghihintay naman ang palasyo ng paliwanag mula sa pamahalaang China. Ilang beses na ba nating narinig ang ganitong mga pahayag mula sa administrasyong halos isanla na ang ating bansa sa makapangyarihan nating kapitbahay?

Isa lamang ang nangyayari sa Scraborough Shoal sa humahabang listahan ng mga ginagawa ng China kung saan nagiging dehado tayong mga Pilipino. Nariyan ang military reports tungkol sa mahigit 600 Chinese vessels na nakapalibot sa Pag-asa Island. Dito sa Metro Manila, dagsa naman ang mga Tsinong manggagawa na sinasabing umaagaw sa mga trabahong kaya namang gawin ng mga Pilipino. Ang ilang proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build Program ay popondohan naman ng utang mula sa China, na maliban sa mataas ang ipapataw na interes, maaari pang mapasakamay ng mga Tsino sakaling hindi natin mabayaran ang ating utang sa kanila. Kaliwa’t kanan din ang pagtatayo ng mga negosyo ng mga Tsino dito sa Metro Manila at maging sa Boracay, na ang ilan ay hindi tumatanggap ng mga Pilipinong trabahante o hindi nagpapapasok ng mga Pilipinong customers.

Sa mga pumupuna sa mahinang paninindigan ng pamahalaang Pilipinas laban sa mga maling ginagawa ng China, laging ikinakatwiran ni Pangulong Duterte na ayaw lamang niyang sumiklab ang isang digmaang tayo rin naman daw ang matatatalo. Ngunit wala namang nagsasabi sa kanyang makipaggiyera tayo sa China. Wala ring nagsasabing murahin niya ang mga lider ng China gaya ng ginagawa niya sa kanyang mga kritiko. Ang hinihiling ng mga mamamayan ay bigyang-proteksyon ng pamahalaan ang ating mga mangingisda nang mapayapa silang makapanghuli ng kanilang ihahain sa kanilang hapag at ng kanilang maipanghahanapbuhay. Ang hinilihing sa pamahalaan ay tiyaking hindi nawawalan ng trabaho ang mga Pilipino sa sarili nilang bayan. Ang hinihiling sa pamahalaan ay maging mas bukás ito sa mga detalye at impormasyon tungkol sa mga pinapasok nitong kasunduan sa China.

Hindi giyera kundi tunay na paglilingkod sa mga Pilipino ang inaasahan nating aksyon ng administrasyong Duterte. Sa mga panlipunang turo ng Simbahan, binibigyang-diin ang tungkulin ng pamahalaang alalayan sa kanilang pag-unlad ang lahat ng mamamayan. Layunin dapat ng pamahalaang tulungan ang bawat mamamayang magampanan ang kanilang responsibilidad—ang tulungan ang mangingisdang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya at makapag-ambag sa suplay ng pagkain, at ang tulungan ang manggagawang makahanap ng disenteng trabaho upang masuportahan ang kanyang pamilya at makapag-ambag sa ekonomiya. Tungkulin ito ng pamahalaan, lalo na sa mga pagkakataong hindi kayang gampanan ng mga indibidwal ang kanilang papel sa lipunan. Inutil ang pamahalaang isinasantabi ang mga layuning ito dahil lamang sa paniniwalang wala itong laban sa mga pinagmumulan ng banta sa kabuhayan at hanapbuhay ng mga pinaglilingkuran nito.

Mga Kapanalig, kung walang magagawa ang kasalukuyang administrasyon, tayo mismo, sa darating na eleksyon, ang kumilos. Piliin natin ang mga kandidatong handang manindigan para sa bayan, hindi ang mga kandidatong handa tayong ipagkanulo sa ibang bansa.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 25,946 total views

 25,946 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 40,602 total views

 40,602 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 50,717 total views

 50,717 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 60,294 total views

 60,294 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 80,283 total views

 80,283 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 25,947 total views

 25,947 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 40,603 total views

 40,603 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 50,718 total views

 50,718 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 60,295 total views

 60,295 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 80,284 total views

 80,284 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,300 total views

 48,300 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,325 total views

 43,325 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,894 total views

 46,894 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,349 total views

 59,349 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,416 total views

 70,416 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,735 total views

 76,735 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,346 total views

 81,346 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,906 total views

 82,906 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,467 total views

 48,467 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,378 total views

 69,378 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top