1,351 total views
Walang hanggang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, ang dahilan ng pagdiriwang sa Pasko ng pagsilang ng Panginoon.
Ito ang mensahe ni Nueva Segovia Archbishop Marlo Peralta kaugnay sa pagdiriwang ng Pasko ng bawat Kristiyano.
Ayon sa arsobispo, ang pagsilang kay Hesus sa sabsaban ay simbolo ng Kanyang kapakumbabaan bagamat Siya’y itinuturing na bilang Hari ng sanlibutan sa sinapupunan pa lamang ng Birheng Maria.
“Christ was born poor in order to make us rich with his graces. Christ humbled Himself in order to lift us up from our nothingness,” mensahe ni Archbishop Peralta sa panayam ng Radio Veritas.
Paliwanag ni Archbishop Peralta na ang pagkakatawang-tao ni Hesus ang nagbunsod upang ang sanlibutan ay higit na mas mapalapit sa Diyos at madama ang Kanyang walang hanggang pag-ibig.
“Christ became one of us in order to make us children of a Loving Father in heaven. In Christ who is God made visible, we can now know who God is, a loving Father,” ayon sa Arsobispo.
Tagubilin naman ng Arsobispo sa mga mananampalataya na ipagdiwang ang Pasko nang may kapakumbabaan at pananalangin upang makamtan ang pag-asa at kaligtasan ng bawat isa mula sa iba’t ibang krisis sa kapaligiran.
Ang Pasko ay ginugunita ng mga Katoliko mula ika-25 ng Disyembre sa Pasko ng pagsilang ng Panginoon hanggang ikawalo ng Enero na pagdiriwang naman sa Pagbibinyag kay Hesus.