Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Walang hindi saklaw ang ikalimang utos ng Diyos

SHARE THE TRUTH

 389 total views

Mga Kapanalig, inilabas noong nakaraang linggo ng news agency na Reuters ang isang special report tungkol sa giyera kontra droga ng ating pamahalaan. Ito ay batay sa mga impormasyong ibinunyag ng dalawang pulis—isang retiradong intelligence officer at isang kasalukuyang nasa serbisyo—sa isinulat nilang report na pinamagatang “State-Sponsored Extrajudicial Killings in the Philippines”.

Inamin ng dalawang pulis ang di-umano’y pagtanggap ng pera ng ilan nilang kasamahan sa tuwing may mapapatay silang drug suspects. Binabayaran din daw sila upang magtanim ng ebidenysa upang palitawing gumagamit o nagtutulak ng iligal na droga ang kanilang pinapatay. Kahit ang mga vigilante killings ay kagagawan din daw ng mga pulis at binabayaran sila para gawin ang mga ito. Mababa ang sampung libong pisong bayad sa bawat drug suspect na kanilang maitutumba.

Hindi lamang mga drug suspects ang ipinapapatay sa kanila. Target din nila ang mga suspek sa panghahalay, mga miyembro ng mga gang sa mga komunidad, mga manginginom, at iba pang taong sanhi ng gulo sa kanilang lugar. Ang pagtatanim ng ilang gramo ng droga o ng baril sa tabi ng katawan ng pinatay nila ay paraan upang palitawing sa lehitimong operasyon ng pulis namatay ang mga taong ito. May mga kasapi pa raw ng Davao Death Squad na ipinasasama sa mga pulis upang gawin ang tinaguriang “social cleansing” o pagpatay sa mga itinuturing na salot sa lipunan.

Dagdag ng Reuters, ang pagbubunyag ng dalawang pulis ay bunsod ng kanilang pagkabahala sa dumaraming bilang ng mga pinapatay sa mga mahihirap na lugar. Binigyan na ng kopya ng buong report ang ilang lider ng ating Simbahan at ang Commission on Human Rights. Gaya naman ng inaasahan, pinabulaanan ng Palasyo at ng PNP ang nasabing ulat, at tinatawag itong gawa-gawa lamang ng international media agencies.

Ang ulat ng Reuters ay kabilang sa marami na nating narinig na kuwento tungkol sa pagkakasangkot ng pulis sa krimeng kaugnay ng giyera kontra droga ng pamahalaan. Kung mapatutunayang totoo, malaking dagok ito sa ating mga kapulisang inatasan natin ng tungkuling tiyakin ang kaligtasan ng lahat sa paraang naaayon sa batas. Wala sa mandato ng mga nakaluklok sa kapangyarihan na basta-basta na lamang bawian ng buhay ang sinuman, inosente man o hindi.

Mahigit isang siglo na ang nakalipas nang kilalanin ng Santa Iglesia, sa pamamagitan ni Pope Leo XIII, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga taong pamamahalaan ang mga mamamayan upang igiya sila tungo sa pagkamit ng kabutihan ng lahat. Tungkulin nilang pasunurin ang mga mamamayan sa mga batas at patakaran para sa maayos na takbo ng lipunan. At may mga kaparaanan din dapat upang ituwid ang mga gawaing labag sa batas. Ngunit, sa kabilang banda, hindi saklaw ng mga nakaluklok sa kapangyarihan ang malayang pagpapasiya o free will ng mga indibidwal.[1] Hindi nila dapat gamitin ang kanilang awtoridad upang kitilin ang kalayaan ng mga mamamayan, lalo na ang bawiin ang kanilang buhay.

Malinaw, mga Kapanalig, na ang paggamit at pagtutulak ng iligal na droga ay labag sa batas, at may mga karampatang parusa para sa mga taong gumagawa nito. Ngunit may limitasyon ang kapangyarihan ng pamahalaan. Sa pagpapatupad ng batas sa pamamagitan ng ating kapulisan, kailangang sikapin nilang pangalagaan ang kasagraduhan ng buhay. Hindi nito dapat patungan ng presyo ang buhay ng isang tao na parang materyal na bagay na may katumbas na halaga. Ang buhay ay sagrado sapagkat ito ay kaloob ng Diyos. Walang sinuman, kahit ang pamahalaan o kapulisan, ang hindi saklaw ng utos na, “Huwag kang papatay.”

Mga Kapanalig, bilang mga Katoliko at Pilipino, dapat nating tiyaking napapanagot sa batas ang mga tao, pulis man o hindi, na pumapatay ng kanilang kapwa. Ang pamahalaan at ang kapulisan ay nariyan upang magbigay proteksyon, hindi upang maghasik ng karahasan at pumaslang.

Sumainyo ang katotohanan.

[1] Diuturnum (Encyclical of Pope Leo XIII on The Origin Of Civil Power) #11.

Mga Kapanalig, inilabas noong nakaraang linggo ng news agency na Reuters ang isang special report tungkol sa giyera kontra droga ng ating pamahalaan. Ito ay batay sa mga impormasyong ibinunyag ng dalawang pulis—isang retiradong intelligence officer at isang kasalukuyang nasa serbisyo—sa isinulat nilang report na pinamagatang “State-Sponsored Extrajudicial Killings in the Philippines”.

Inamin ng dalawang pulis ang di-umano’y pagtanggap ng pera ng ilan nilang kasamahan sa tuwing may mapapatay silang drug suspects. Binabayaran din daw sila upang magtanim ng ebidenysa upang palitawing gumagamit o nagtutulak ng iligal na droga ang kanilang pinapatay. Kahit ang mga vigilante killings ay kagagawan din daw ng mga pulis at binabayaran sila para gawin ang mga ito. Mababa ang sampung libong pisong bayad sa bawat drug suspect na kanilang maitutumba.

Hindi lamang mga drug suspects ang ipinapapatay sa kanila. Target din nila ang mga suspek sa panghahalay, mga miyembro ng mga gang sa mga komunidad, mga manginginom, at iba pang taong sanhi ng gulo sa kanilang lugar. Ang pagtatanim ng ilang gramo ng droga o ng baril sa tabi ng katawan ng pinatay nila ay paraan upang palitawing sa lehitimong operasyon ng pulis namatay ang mga taong ito. May mga kasapi pa raw ng Davao Death Squad na ipinasasama sa mga pulis upang gawin ang tinaguriang “social cleansing” o pagpatay sa mga itinuturing na salot sa lipunan.

Dagdag ng Reuters, ang pagbubunyag ng dalawang pulis ay bunsod ng kanilang pagkabahala sa dumaraming bilang ng mga pinapatay sa mga mahihirap na lugar. Binigyan na ng kopya ng buong report ang ilang lider ng ating Simbahan at ang Commission on Human Rights. Gaya naman ng inaasahan, pinabulaanan ng Palasyo at ng PNP ang nasabing ulat, at tinatawag itong gawa-gawa lamang ng international media agencies.

Ang ulat ng Reuters ay kabilang sa marami na nating narinig na kuwento tungkol sa pagkakasangkot ng pulis sa krimeng kaugnay ng giyera kontra droga ng pamahalaan. Kung mapatutunayang totoo, malaking dagok ito sa ating mga kapulisang inatasan natin ng tungkuling tiyakin ang kaligtasan ng lahat sa paraang naaayon sa batas. Wala sa mandato ng mga nakaluklok sa kapangyarihan na basta-basta na lamang bawian ng buhay ang sinuman, inosente man o hindi.

Mahigit isang siglo na ang nakalipas nang kilalanin ng Santa Iglesia, sa pamamagitan ni Pope Leo XIII, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga taong pamamahalaan ang mga mamamayan upang igiya sila tungo sa pagkamit ng kabutihan ng lahat. Tungkulin nilang pasunurin ang mga mamamayan sa mga batas at patakaran para sa maayos na takbo ng lipunan. At may mga kaparaanan din dapat upang ituwid ang mga gawaing labag sa batas. Ngunit, sa kabilang banda, hindi saklaw ng mga nakaluklok sa kapangyarihan ang malayang pagpapasiya o free will ng mga indibidwal. Hindi nila dapat gamitin ang kanilang awtoridad upang kitilin ang kalayaan ng mga mamamayan, lalo na ang bawiin ang kanilang buhay.

Malinaw, mga Kapanalig, na ang paggamit at pagtutulak ng iligal na droga ay labag sa batas, at may mga karampatang parusa para sa mga taong gumagawa nito. Ngunit may limitasyon ang kapangyarihan ng pamahalaan. Sa pagpapatupad ng batas sa pamamagitan ng ating kapulisan, kailangang sikapin nilang pangalagaan ang kasagraduhan ng buhay. Hindi nito dapat patungan ng presyo ang buhay ng isang tao na parang materyal na bagay na may katumbas na halaga. Ang buhay ay sagrado sapagkat ito ay kaloob ng Diyos. Walang sinuman, kahit ang pamahalaan o kapulisan, ang hindi saklaw ng utos na, “Huwag kang papatay.”

Mga Kapanalig, bilang mga Katoliko at Pilipino, dapat nating tiyaking napapanagot sa batas ang mga tao, pulis man o hindi, na pumapatay ng kanilang kapwa. Ang pamahalaan at ang kapulisan ay nariyan upang magbigay proteksyon, hindi upang maghasik ng karahasan at pumaslang.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 34,257 total views

 34,257 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 49,334 total views

 49,334 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 55,305 total views

 55,305 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 59,488 total views

 59,488 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 68,769 total views

 68,769 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 34,258 total views

 34,258 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 49,335 total views

 49,335 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 55,306 total views

 55,306 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 59,489 total views

 59,489 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 68,770 total views

 68,770 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 50,834 total views

 50,834 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 49,079 total views

 49,079 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 99,387 total views

 99,387 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 108,855 total views

 108,855 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 80,275 total views

 80,275 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 86,534 total views

 86,534 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 100,851 total views

 100,851 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 86,218 total views

 86,218 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 73,809 total views

 73,809 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 86,411 total views

 86,411 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top