Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Walang katumbas na halaga ang pagkasira ng kalikasan

SHARE THE TRUTH

 273 total views

Mga Kapanalig, nabalitaan ninyo marahil ang tungkol sa planong pagtatayo ng isang underwater theme park sa probinsya ng Palawan. Kayo po ba ay natuwa at na-excite sa bagong pasyalang ito?

Inanunsyo ang theme park na ito noong nakaraang linggo ng kumpanyang Viacom, ang may-ari ng kilaláng children’s television network sa Amerika na Nickelodeon. Ang theme park ay itutulad sa sikat nitong palabas kung saan ang mga tauhan ay mga makukulay na lamang-dagat. Ayon sa kumpanya, ang proyekto ay magbibigay ng pagkakataon sa mga sumusubaybay sa palabas, lalo na ang mga bata, na makita ang mga pinagbatayan ng kanilang mga paboritong cartoon characters. Dagdag pa ng kumpanya, isusulong ng theme park ang pangangalaga sa karagatan.

Gaya ng inaasahan, mariing binatikos ng mga environmentalists ang planong theme park. Kabaligtaran daw ng mga binanggit na layunin ang magiging bunga ng ipapatayong pasyalan. Sa unang press release ng Viacom, sinabi nilang mahigit 400 na ektarya ang kabuuang sukat ng theme park, isang undersea development na may kasamang mga kainan at pahingahang nakalubog nang anim na metro o dalampung talamapakan sa ilalim ng dagat. Giit ng mga tutol sa proyekto, sisirain at guguluhin ng pagtatayo ng mga artipisyal na istruktura ang naturál na daloy ng buhay sa mga dagat ng Palawan. Matapos ang ilang araw na ingay ng isyu sa social media, nilinaw ng local partner ng Viacom na ang mga istruktura ay itatayo sa lupa at ang tema lamang ang “underwater.”

Kilalá ang Palawan, hindi lamang sa ating bansa ngunit maging sa buong mundo. Matatagpuan dito ang Puerto Princesa Subterranean River National Park at Tubbataha Reefs Natural Park, na parehong kabilang sa UNESCO World Heritage Sites. Bukod dito, marami ring dinarayong beaches at kagubatan sa Palawan na patunay na hitik ang likas yaman na matatagpuan sa lalawigang ito. Ang isla ng Palawan nga po ang tinaguriang “last frontier” ng Pilipinas. Handa ba nating isakripisyo ang mga biyayang ito para sa sinasabing kaunlaran?

Ang dangal ng sangnilikha ay isinusulong ng mga panlipunang katuruan ng ating Simbahan. Ipinaalala sa ating mga mananampalataya ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan, kasama ang mga karagatan at ang lahat ng nabubuhay rito. Sa Centesimus Annus, sinabi ni St John Paul II na bagama’t binigyan tayo ng ating Diyos ng kakayahan at kalayaang pakinabangan ang Kanyang mga biyaya, anumang pagbabago ang gawin natin sa ating kapaligiran at sa kalikasan ay dapat na nakatuon sa layuning una at tunay na itinakda ng Diyos na lumikha ng lahat. Ang kalikasan ay hindi nilikha para sa kapakinabangan ng iilan o para sa interes ng mga may kapangyarihan at may pera. Ang kalikasan ay ipinagkaloob sa atin upang mamuhay tayo nang matiwasay at pagbahaginan ang biyayang dala nito sa lahat. Sa kalikasan natin namamalas ang pag-ibig ng Tagapaglika. Kung sa paghahangad ng kaunlaran ay nasisira natin ang ating kalikasan, hindi lamang tayo nagiging mga pabayang tagapamahala ng sangnilikha, nagiging instrumento rin tayo upang manaig ang kawalan ng katarungan sa lipunan.

Gaya nang sinabi ni Pope Francis sa kanyang encyclical na Laudato Si, ang pangangalaga sa kalikasan ay nangangailangan ng isang uri ng pagtanaw sa kinabukasan, sa maaaring maging bunga ng anumang gawain sa susunod na salinlahi. Hindi natin ito maaasahan sa mga taong ang tanging hangad ay magkamal ng malaking kita. Mas malaki kaysa sa maaaring kitain ng tao ang pinsalang dala ng kawalan natin ng pagpapahalaga sa ating kalikasan. Hindi na maibabalik ang nasirang kalikasan, ang mga namatay na hayop at halaman, at walang katumbas na halaga ang pagkawalang ito. Kung mananahimik tayo sa harap ng pagkasira ng ating kalikasan para lamang sa sinasabing kaunlaran, ipinapasa natin sa kasalukuyan at susunod na henerasyon ang masamang bunga ng pagkasira ng kalikasan.

Sumainyo ang katotohanan.

 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 26,486 total views

 26,486 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 77,049 total views

 77,049 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 24,464 total views

 24,464 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 82,229 total views

 82,229 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 62,424 total views

 62,424 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 26,487 total views

 26,487 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 77,050 total views

 77,050 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 82,230 total views

 82,230 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 62,425 total views

 62,425 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 45,137 total views

 45,137 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 53,818 total views

 53,818 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 68,580 total views

 68,580 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 75,695 total views

 75,695 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 49,825 total views

 49,825 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 49,597 total views

 49,597 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 49,298 total views

 49,298 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 41,632 total views

 41,632 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 81,212 total views

 81,212 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 88,766 total views

 88,766 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 84,649 total views

 84,649 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top