170 total views
Nilinaw ng Department of Health na walang ibinentang pampublikong ospital ang gobyerno.
Ayon kay Health secretary Paulyn Jean Ubial, kailanman hindi naging bahagi ng agenda ng DOH ang maging pribado ang mga pampublikong ospital sa bansa.
Ipinaliwanag ng kalihim ang sitwasyon noon sa Philippine Orthopedic Hospital at sa Fabella Hospital na nakipag-partner lamang ang pamahalaan sa pribadong sektor sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP) kung saan sila ang magpapagawa habang ang gobyerno pa rin ang magpapatakbo.
“Wala tayong ospital na ibinenta, hindi yun part ng agenda ng DOH, sa pamamagitan ng PPP, gaya sa Orthopedic hospital, ginagawa yan ng ahensiya ng pamahalaan ay ang partnership sa private sector, sila ang nagpapagawa pero ang government ang nagpapatakbo, hindi natuloy ang Orthopedic at Fabella kasi tinutulan na rin ng ilang sektor, and then pinonduhan naman ito ng government so di na kailangan ang PPPs, natuludukan na ito,” pahayag ni Ubial sa panayam ng Radyo Veritas.
Kaugnay nito, inihayag din ni secretary Ubial na natuldukan na rin ang problema sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) na una ng napaulat na pinapaalis na sa kanilang lupang pinagtatayuan dahil na rin sa swapping ng lupa.
“Ang PCMC, ang lupa nila ay pag-aari ng National Housing Authority (NHA), may kasunduan na swapping ng lupa sa Cebu may konting babayaran na lang… naayos na natin yan dahil na rin sa malaking suporta ng pamahalaan,” pahayag ni Ubial.
Kahit noon bawal na yang doctor at nurse nakasimangot, pero ang kagandahan ngayon, nabigyan tayo ng apat na plantilla item sa mga ospital para ma meet natin ang ideal ng personnel ratio,
Hanggang noong 2014, tinatayang nasa 1, 840 ang mga ospital sa buong bansa kung saan 720 dito ang pampublikong ospital.
Una ng inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na maliban sa espiritwal na pangangalaga, napakahalagang sangkap din ng pagiging banal ang pangalagaan ang katawang pisikal dahil ito ay templo ng Panginoon.
Ang isa sa mga dakilang pagpapalang natanggap natin nang pumarito tayo sa lupa ay ang katawang pisikal. Kailangan natin ng katawang pisikal upang maging katulad ng ating Ama sa Langit. Napakahalaga ng ating katawan kung kaya tinawag ito ng Panginoon na mga templo ng Diyos (tingnan sa I Mga Taga Corinto 3:16–17; 6:19–20). Ang ating katawan ay banal.