235 total views
Ito ang bingyang diin ni Caritas Manila executive director at Radio Veritas President Father Anton CT Pascual sa lalong pina-igting na “war on drugs” ng Pangulong Rodrigo Duterte.
“In every war even war on illegal drugs,there are no victors, all are victims,”pahayag ni Father Pascual sa Radio Veritas.
Inihalimbawa ni Father Pascual ang record ng Philippine National Police na mula July 1 hanggang August 23, 2016 ay 712 drug suspects ang napatay sa police operations habang umabot naman sa 1,160 katao ang sinasabing biktima ng vigilante killings.
Nanindigan ang Pari na sa anumang police operations ay nararapat ipatupad ang rule of law at due process.
Iginiit ni Father Pascual na magiging ganap na tagumpay ang kampanya laban sa illegal drugs kung magkakaroon ng “radical change of heart at mayroong political will ang administrasyong Duterte na ipatupad ng walang shortcut ang batas.
“What we need is a radical change of heart and the political will of government to enforce the rule of law,”paalala ni Father Pascual.
Kaalinsabay nito, nanawagan ang pari kay pangulong Duterte na tuldukan na ang “out of control killings” kung saan sinasabi ni Senador Franklin Drilon na pitong drug suspects ang napapatay kada araw sa war on drugs ng pamahalaan.
Binigyan-diin ni Father Anton na ang buhay ay sagrado at tanging ang Panginoon lamang ang maaring kumuha dito.
Ipinaliwanag ni Father Pascual sa Radio Veritas na sa prinsipyo ng “Christian stewardship”, hindi pag-aari ng tao ang kanyang buhay kundi ng Panginoon.
“In the principle of Christian stewardship, our life is not ours but God’s. To take human life for whatever reason is not for us to decide. Absolutely no to all extra-judicial killings,”paninindigan ni Father Pascual.