1,047 total views
Ito ang binigyang diin ni Diocese of Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa deklarasyon sa Simbahan ng San Bartolome sa Malabon city bilang isa sa Important Cultural Treasure ng bansa dahil sa mayamang kasaysayan at natatangi nitong kahalagahan sa pamanang pangkalinangan ng sambayanang Pilipino.
Ayon sa Obispo, kabilang sa kanyang kasalukuyang isinusulong sa diyosesis ay ang pagpapalalim ng kalamayan at kaalaman ng mga mananampalataya sa kasaysayan hindi lamang ng pananampalataya kundi ng mismong bansa.
“I’m trying to promote a deeper, a stronger sense of history in our faithful in the Diocese of Kalookan dahil walang saysay ang buhay kung wala tayong kamalayan tungkol sa kasaysayan.” pahayag ni Bishop David.
Iginiit ni Bishop David na mahalagang seryosohin ang pakikipagtulungan sa mga ahensya ng pamahalaan upang ganap na mapangalagaan ang church cultural heritage.
Tinukoy ni Bishop David ang Republic Act 10066 o ang “PHILIPPINE CULTURAL HERITAGE ACT” na naglalayong higit na bigyang proteksyon at pangalagaan ang mga makasaysayang lugar at istruktura sa bansa kabilang na ang mga lumang Simbahan at maging mga lumang tahanan.
“We really must take seriously our partnership with the proper government agency for the preservation of our church cultural heritage and I think the government acknowledges the fact that a huge percentage of heritage structures in this country are actually church heritage and so we really must partner and that has been made responsible by the Republic Act 10066 and we take that very seriously.” Dagdag pa ni Bishop David.
Ipinaliwanag ng Obispo na tungkulin ng diyosesis at ng pamunuan ng Simbahan ng San Bartolome na panatilihin ang integridad at orihinal na istruktura ng Simbahan upang patuloy na maipamalas ang natatangi nitong katangian na naging saksi sa mayamang kasaysayan ng pamamanmapalataya sa lungsod ng Malabon.
“Our task basically is really restore it, keep it in its integrity even if there are further developments but were mindful of the heritage structure and its character and that is what gives soul to our faith because without heritage the church will be soulless and even the whole city of Malabon, what gives character to Malabon really is the heritage structures like San Bartolome Church.” Ayon pa kay Bishhop David.
Tiniyak ni Bishop David na puspusan ang pakikipag-ugnayan ng diyosesis sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mapangalagaan ang iba pang mga heritage structure tulad ng San Jose de Navotas Church, San Roque Cathedral, Immaculate Concepcion Parish Church at La Loma Catholic Cemetery Chapel na unang kinilala ng National Historical Commission of the Philippines.
Inihayag naman ng Obispo ang planong pagsusulong ng Diyosesis ng Kalookan sa 408-taong gulang na Simbahan ng San Bartolome sa Malabon bilang kauna-unahang Minor Basilica sa diyosesis.
Pinangunahan ni Bishop David at Atty. Ma. Rosenne M. Flores-Avila, Deputy Director General for Administration of the National Museum of the Philippines ang unveiling of marker at deklarasyon sa Simbahan ng San Bartolome bilang isa sa Important Cultural Treasure ng bansa.
Ang 408-taong Simbahan ng San Bartolome sa Malabon ang itinuturing na pinakamatandang Simbahan sa lungsod na naging saksi sa malawak na kasaysayan hindi lamang ng pananampalatayang Katoliko sa lugar kundi maging sa paraan ng pamumuhay ng mamamayan ng Malabon.
Iginagawad ng National Museum of the Philippines ang pagkilala bilang Important Cultural Treasure sa isang gusali, lupain o lugar na nagtataglay ng pambihirang kasaysayan hindi lamang sa larangan ng sining kundi maging para sa pagpapayaman ng kultura ng bansa.
Sa kasalukuyang nasa 21 na ang bilang ng mga kinilalang National Cultural Treasures sa bansa habang nasa 32 naman ang kinilalang Important Cultural Properties ng National Museum of the Philippines na kinabibilangan ng mga parke, gusali, Simbahan at maging mga lumang tahanan.